CHAPTER 5

149 4 0
                                    

Lae


Unknown number:

This is Christian. Save my number.

My lips rose and I scoffed in amusement when I read his text. Tss. Bukod sa suplado, demanding din pala ito.

Ibinaba ko sandali ang librong hawak ko para makapagtipa ng reply sa kanya. After that, I saved his number and get back to reading.

Kaninang hapon pa niya kinuha ang cellphone number ko pero ngayong alas diyes lang ng gabi siya nag-text. Well, it's not like I'm expecting that he'll contact me right away pero at this hour? If I'm not just engrossed to read this novel right now, baka tulog na ako.

Kakalipat ko sa susunod na pahina ng libro nang muling tumunog ang cellphone ko. When I put down my book on my lap to check it, he replied.

Christian:

What are you doing?

Tumaas ang kilay ko. I am not fond of too much texting. I prefer calls. Pero dahil inisip kong baka may kailangan siya, nireply-an ko na.

Ako:

I'm reading.

There. Two to three words ng reply lang para hindi halatang interesado sa ka-text.

Muli siyang nagreply.

Christian:

Sorry. Naistorbo ba kita?

Ako:

May sasabihin ka ba?

Tuluyan ko nang ibinaba ang librong hawak ko para hintayin ang reply niya. Hindi lumalayo sa pagitan ng isang minuto ang pagreply niya sa akin. Ibig sabihin...ito lang ang ginagawa niya.

Bukod sa isipang 'yon, knowing that he's texting me at this hour made me feel something I can't totally explain.

Pero hindi, I should dismiss my thoughts of him having something towards me. Wala naman siyang inamim. Hindi dapat ako nag-aassume ng ganito.

Ilang minuto na ang lumias pero wala pa rin siyang reply sa akin. Kanina lang, ang bilis magreply pero ngayon, nganga na?

I lazily dialled his number. Siguro nakatulog na siya.

"Hello." Sagot niya sa kabilang linya.

Umahon ako mula sa pagkakaupo ko sa single couch bag bean sa tabi ng bintana. All of a sudden, biglang hindi ko na alam kung ano ang sasabihin. Parang nablangko ang utak ko.

I gulped. Ibaba ko na lang kaya 'to?

"Lae?" He spoke again.

Tumayo ang mga balahibo ko sa paraan ng pagbanggit niya sa pangala ko. It was raspy like a bedroom voice.

"U-Uh... sorry! N-Napindot ko l-lang. S-Sige, bye!"

"Sandali—-"

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. I immediately cancelled the call and threw myself on my bed.

Inilubog ko ang mukha ko sa unan habang inuuntog ang sarili ko ro'n. Nakakahiya ka, Lae! Ikaw pa talaga ang unang tumawag!

I shrieked out because of self-humiliation. Bakit ba kasi ako nagkakaganito? Bakit gustung-gusto ko ang atensyon niya?

Hindi pwede. Hindi ko dapat ipinapakita na interesado ako sa atensyon niya. Na curious ako sa mga titig niya. Dapat...

Ano ba dapat?

Should I confront him?

I heaved out a sigh. No. He likes someone else. That's enough reason for me not put any malice on his stares.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon