CHAPTER 20

108 4 0
                                    

Lae


Naglagi pa kami ng ilang minuto roon ni Christian sa botanical garden matapos naming magkaaminan. Nakaupo na kami ngayon sa bench na madalas naming inuupuan kapag nandito kami. We maintained a distance with each other. Pareho kaming nasa magkabilang dulo ngayon. Naglilingunan...pero kapag nahahagip ang tingin ng isa't-isa, mabilis pa sa alas kwatro kung bawiin ko ang ipinupukol kong sulyap sa kanya.

Ano, Lae? Nasaan ang tapang mo ngayon?

Kanina lang, ang lakas ng loob kong umamin sa nararamdaman ko. May paiyak-iyak pa at payakap-yakap pa akong nalalaman. Masyadon akong nagpadala sa emosyong nararamdaman kaya hindi ko na pinag-iisipan pa ang mga gagawin ko.

I was a slave of my overflowing emotion. All I wanted to do is what my wild heart truly desires. Dahil kung hindi ko gagawin at sasabihin sa kanya iyon, lalo lang gustong kumawala iyon sa puso ko.

I'm young but I know what I feel. He's important to me, too, and I don't want to slip him away from me.

Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan ang paglapit niya sa akin. I startled when his right arm touched my elbow.

"Ano'ng iniisip mo?" masuyo niyang tanong sa akin.

Marami, Christian. Kung sasabihin ko sa'yo lahat, wala kang maintindihan.

Pero hindi ko na iyon isinatinig pa.

Umiling lang ako at bahagyang ngumiti sa kanya. Naramdaman niyang ayokong magsalita kaya tumango na lamang siya sa akin.

Hindi naman ako nangangamba eh. Kung tutuusin nga, masaya ako. Masaya ako dahil akala ko, ako lang ang ganito sa aming dalawa. Na ako lang ang nakakaramdam ng ganito. Na hindi lang pala ako ang nagkakagusto sa aming dalawa.

Dahil siya, gusto niya rin ako.

Bumuntong hininga siya. Bumaba ang pagkakahawak niya sa akin. Mula sa aking siko ay ginagap niya ang kaliwang palad ko na siyang ikinamulat ng mga mata ko nang husto. Sinundan ko lamang iyon ng tingin at...habang pinagmamasdan ko kung paano niya iyon hawakan ng buong pag-iingat, lalo lang bumubundol ang puso ko sa matinding kaba.

"Manliligaw ako sa'yo." Aniya.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya dahil sa matinding gulat. My lips parted in so much astonishment! Hindi ako...makapaniwalang sasabihin niya iyon sa akin.

Kanina ay ginugulantang niya ang buong sistema ko nang umamin siya tungkol sa pagkakagusto niya sa akin. Ngayon naman, niyayanig niya na ako sa gusto niyang mangyari.

"H-Huh?" tanging nasabi ko. "B-Bakit?"

"Kasi gusto kita." Diretsahan niyang sagot.

"P-Pero..." alanganin kong sagot sa kanya.

Ganoon ba talaga 'yon? Kapag gusto mo ang isang tao, kailangan bang ligawan siya agad?

Pero mga bata pa kami. We're only fifteen! Alam kong may mga kaedaran kaming pumapasok na sa ganoong klaseng relasyon pero...hindi ko alam kung kaya kong panindigan ang magkaroon ng gano'n.

Isa pa, nangako ako kay Papa! Gusto kong tuparin iyon. Gusto kong...unahin muna ang pag-aaral gaya ng gusto kong mangyari.

Pero tatanggi ako kay Christian, aayawan niya na ba ako?

That thought hunted me! Ayoko. Gusto ko, sa akin lang siya magkakagusto.

"Kung hindi ka pa naman handa, kaya kong maghintay." Saad niya nang mapansin ang sandaling pananahimik ko.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon