CHAPTER 6

144 4 0
                                    

Lae


Halos magbuhol-buhol ang mga iniisip ko habang nakasakay ako sa bike niya. We rode for about 15 minutes until we reach Paul's house. Kung tutuusin, nasa 5-7 minutes lang iyon kung sasakay ng tricycle. Pero dahil angkas niya ako, hindi mabilis ang pagpapatakbo niya sa bike niya.

I was gripping so hard in the steering wheel of his bicycle. Not only because I am afraid to fall, but everytime his arms touch mine, para akong nakukuryente. Hindi naman maiiwasan ang pagdikit ng mga balat namin. I was caged in between his arms. At kung maglilikot ako, baka malaglag ako.

Nang marating namin ang bahay nila Paul, nakita naming naghihintay na sa may garahe si Monica. Nakaupo siya at madalas ang check sa cellphone. Parang hindi mapakali, may inaabangang tawag o text.

Sino kaya? Itong kasama ko?

Hindi ka talaga niya mare-reply-an dahil nagmaneho ng bisikleta.

Napatayo si Monica nang matanaw niya kami mula sa gate nila Paul Luis. Maluwang ang ngiti niyang sinalubong kami at pinagbuksan para makapasok na sa loob.

"Uy! Buti nakarating kayo agad. Si Josh, mali-late daw ng konti." Nakangiting sabi niya at saka binalingan ang kasama ko. "Ipasok mo na 'yong bike mo rito, Christian."

Narinig ko pang nag-usap ang dalawa pero hindi ko na sila binigyan ng pansin. It's very evident that she wants to get his attention. So I let them be and went inside Paul's house.

Nadatnan ko si Uncle Isko na nagkakape habang nanonood sa TV ng pang-umagang balita. Lumapit ako sa kanya para magmano.

"God bless you, neng." Aniya. "Katatapos maligo ni Paul, Lae. Iyang bata na 'yan. Kung hindi pa dumating si Monica ay hindi pa gagayak eh!"

Umupo ako sa sofa at nakinood na rin sa TV.

"Hindi nga rin po niya ako nasundo kanina."

"Aba'y nagsabi ba ang batang 'yan? Sira yata kasi ang spark plug ng motor kaya hindi umaandar." Sagot niya sa akin.

Ngumuso ako at sumandal sa sofa.

"Nakauwi na ba si Pareng Henry?" Tanong niya ulit.

"Opo, Uncle. Dumating po si Papa kaninang madaling araw." Magalang na sagot ko. Lumingon ako sa kwarto kung saan iniluwa ng pintuan si Paul. Bagong ligo rin at nakasuot ng white tshirt at red na jersey shorts.

"Hi, Lae!" Bati niya sa akin.

Tumango ako sa kanya at nginitian siya. May kinuha siyang ilang libro, papel, at lapis sa istante malapit sa TV bago ako nilapitan.

"Sorry hindi kita nasundo. Nasira ang motor ko." Hingi niya ng dispensa.

I shrugged my shoulders at tumayo na rin mula sa pagkakaupo ko.

"Okay lang."

"Ano'ng sinakyan mo?" Tanong niya.

Nangunot ang noo ko. Hindi ba niya alam na sinundo ako ni Christian?

I quickly remembered the exchange of messages in our GC. Nakita ko nga roon na ni-mention ako ni Paul na hindi niya ako masusundo pero...wala akong maalalang may nabasa akong si Christian na ang susundo sa akin.

Should I tell him? Hindi kaya mag-isip siya ng iba?

Instead of answering him, lumabi lang ako sa kanya at nauna nang lumabas. Natigil lang ako ng bahagya nang makita ko sila Monica at Christian na nagku-kwentuhan habang natatawanan.

Nangunot ang noo ko sa nakita. Para akong nairita na hindi ko maintindihan.

"Pasasakayin na lang kita mamaya, Lae." Ani Paul nang makaupo na kami sa monoblock chair na naroon. Sa gitna non ay may mesang kulay puti rin. Sakto lang para may mapagsulatan kami.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon