Lae
"Tumayo lahat ng mga tatawagin kong pangalan." Sabi ni Ma'am Wilma pagkatapos ng Flag Ceremony kanina.
Kapapasok ko lang sa room dahil dumaan muna ako sa CR. Nang madatnan ko siyang nakatayo sa harap, nagmadali akong umupo sa designated seat ko.
"Ano'ng meron?" Tanong ko kay Aby.
"Tatawagin ni Ma'am 'yong pangalan ng mga nag-cutting class no'ng Friday." Kaswal na sagot niya.
Bumundol ang kaba sa dibdib ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. I already expected last weekend pero hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin dahil madalas namang may mangyaring ganito. I was preoccupied with that had happened last Friday. Parang nawalan ng bisa 'yong kaba ko dahil sa...
Hmm. Hindi muna dapat iyon ang isipin ko.
Kahit alam kong posibleng nasa listahan ang pangalan ko, umasa akong hindi matatawag ang pangalan ko. Nang magsimula nang magtawag si Ma'am Wilma ng mga pangalan, dumoble ang kabang nararamdaman ko.
Naunang natawag ang mga kaklase kong madalas tumakas kapag vacant period. In-expect ko na kasali sila Paul Luis at Joshua pero hindi na sila natawag. Anim na sa amin ang napapatayo. Nanlalamig na ako dahil pakiramdam ko, anumang oras ay tatawagin na ang pangalan ko.
"Karl Esteban..."
Pito.
"Cyrus Mesa..."
Walo.
No.
"Tsk. I didn't expect that these two would include in the list." She commented.
What? Oh, no.
"Christian Ponferrada."
Mabilis ko siyang tiningnan. Nagtama ang mga mata namin. Hindi ko siya kinakitaan ng pangamba. Unlike me, na siguradong mukhang tanga na dahil sa sobrang kabado.
Tumayo siya. itinukod niya ang magkabilang kamay sa armchair sa kanyang harapan.
"Lae Margarette Asuncion."
Napapikit ako. Mariin. I bit my lip before I stood up.
Ibinagsak ni Ma'am Wilma ang kamay niyang may hawak na papel sa kanyang mesa.
"Ano'ng mga pumasok sa utak ninyo't nagawa ninyong tumakas? It's supposed to be your study period! Dapat nasa library lang kayo o nandito sa classroom para mag-review!" pagalit na sabi niya sa amin.
Walang umiimik sa amin. Walang may gustong bumasag ng katahimikan at salubungin ang galit ni Ma'am Wilma.
"At kayong dalawa, Christian and Lae! You are the top of this class! You should be the role model to your classmates! Kayo pa naman ang mga class president at vice president pero nangunguna kayo sa pagka-cutting class!"
Tumungo ako. Feeling guilty and ashamed of what I've done, hindi na lang ako umimik.
"Pinapatawag na kayo ngayon sa Disciplinary Office."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Umalma rin ang ibang classmate namin na napatayo pero walang pinakinggan si Ma'am Wilma. Mas lalo lang siyang nagalit sa amin.
Nanghihina akong dinampot ang bag ko para tunguhin ang opisinang iyon. That is the least office I wanted to visit. It's my first time. Nakakaiyak! Nakakahiya sa mga nasa paligid ko. Just imagine, a class president, with high honors, good reputation with the eyes of everyone, mapapatawag sa Disciplinary Office?!
Hindi ko naman sinisisi si Christian dahil sumama ako sa kanya. I benefited with what we have done, too. Hindi naman ako naglakwatsa na katulad ng ginawa ng ibang kasama ko. I went home straight to our house because I had my period.
BINABASA MO ANG
Bridge
RomanceMag-kaklase si Lae at Christian noong high school sila. Both of them are honor students, kaya mahigpit ang kumpetisyon sa academics at extra-curricular activities. Lae is a bubbly girl, with a positive outlook and friendly to everyone. However, Chri...