CHAPTER 4

149 4 1
                                    

Lae


Maybe I looked desperate for getting Christian's attention, but hell no, if he's going to ignore me, hindi ko na ipipilit ang sarili ko.

Curious lang ako dahil sa mga titig niya sa akin!

Kaya nang mga sumunod na araw, pinilit ko ng kalimutan ang huling interaksyon namin. Tutal, he already got Carlyn's number. Sigurado akong magka-text na sila palagi!

Pero at the back of mind, alam ko, there's a part of me na hindi okay iyon. I don't know why I feel this way, though. Pakiramdam ko, para akong naaagawan ng atensyon.

I don't want to acknowledge this feelings that's starting to grow. At kung pwede lang, ibaon ko na agad ito sa limot!

So I did what I have to do. Nag-focus ako sa pag-aaral. I aced every quizzes and recitation in all of our subjects at lalo kong pinaghandaan ang inter-school competition.

We brought home the bacon. I was able to answer the winning question. Kaya nagdiwang ang school after the flag ceremony at in-announce ang mga participants.

I was proud for my achievements but never did I brag about it. Ginawa ko pa 'yong tool para matulungan ko pa sa pagre-review ang mga kaibigan ko.

We group in our Filipino subject para sa reporting. Ang teacher ang mamimili kaya nawalan ako ng pag-asang makakasama ko ang mga kaibigan ko.

"Binibining Asuncion, makakasama mo sila Ginoong Vergara at Binibining Roma." Saad ng guro namin dahil kaunti na lamang ang hindi pa nabibigyan ng grupo.

"Al—right!" Paul Luis muttered in excitement.

"Makakasama niyo rin si Ginoong Ponferrada at Ginoong Quirod." Dagdag ni Ginang Rosario.

Natigilan ako sa narinig. Bakit namin siya makakasama? Dapat ay nasa kabilang grupo siya! Paano ako ngayon makakaconcentrate sa activity kung ganitong kasama namin siya?

"Isasagawa niyo ito sa Lunes." Dagdag niya.

Kanya-kanya ang bawat grupo sa pagbilog na form ng mga upuan para mapagusapan ang gagawing activity. Hindi na ako umalis sa upuan ko dahil tinawag ko na silang dito na lang kami pumuwesto.

Unti-unti silang lumapit sa gawi ko. Pinaggitnaan ako ni Paul Luis at Joshua, Si Monica ay katabi ni Joshua. Bakante pa ang isang upuan na nakareserba na sana para sa ibang kasama.

Nangunot ang noo ko? Oh, asan na 'yon?

"Si Christian, kinakausap si Ma'am Rosario. Gustong lumipat kila Gil." Sabi ni Josh.

I ignored what he said and continued writing about the activities. Mas maganda nga 'yon kung lilipat siya para hindi ako naiilang.

"Pigilan mo, Monica." Sabi ni Paul Luis.

My brows met when I heard that. Pipigilan? Huwag na! Hayaan na nilang lumipat siya sa kabilang grupo. Kaya naman naming itawid ito wala siya. Saka isa pa...bakit si Monica?

Nilingon ko si Monica na nakatingin kay Christian. Tila naghihintay na mapansin siya.

"Bakit Mon? Ano'ng meron?" Usisa ko.

Nilingon niya ako. She blushed profusedly. The boys just chuckled habanga ako... naghihintay lang sa isasagot niya.

"Ah..." alangan na ngiti niya at saka hinawi ang mahabang buhok niya.

"Nahiya ka pa eh!" Siniko siya ni Josh. "Kinuha kasi ni Christian ang number niya noong isang araw." At saka muling binuska si Monica.

She just chuckled. Bakas sa mukha niya ang matinding kilig.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon