CHAPTER 9

113 3 0
                                    

Lae


"S-sino'ng nagyaya sa'yong lumabas?" nanginginig ang boses kong tanong sa kanya.

May hinala na ako. Pero naninigurado lang dahil wala naman siyang binanggit na pangalan.

She swift hair using her right hand at saka humagikhik. Inilapit niya ang bibig sa aking tenga para maibulong iyon.

"Si Christian." Aniya.

Kahit may kung ano mang mabigat sa loob akong naramdaman, pinili kong itago iyon. I smirked playfully and looked at her with so much amusement.

"Sus! Baka niloloko ka lang no'n, ah?" mapang-asar kong tanong sa kanya.

Pero sa loob-loob ko, para akong nanghihina. I feel so bitter about it. Nakakainggit.

She rolled her eyes. I faked a laugh. Sige lang. Sasakyan kita. I don't want to feel bad about this. I don't want to feel about how happy Monica is when Christian asked her to go out with him.

She is my friend. I should be happy for her.

"Magde-date kami mamaya, Lae! Excited na ako!" nakangiting sabi niya habang magkasalikop ang magkabilang palad at nakatingin sa kawalan.

Nanlaki ang mga mata ko. "Mamaya na?!"

Saan naman sila pupunta? Oo nga't early out kami pero...saan sila pupunta?

Tumango siya. Muli siyang kumapit sa braso ko at isinandal ang ulo sa aking balikat habang mabagal kaming naglalakad.

"Tulungan mo naman ako sa kanya, Lae." Aniya.

Inilayo ko ang sarili habang nangungunot ang aking noo. What the hell is she thinking?

"Pinagsasabi mo? Ano'ng tulong?"

"Tulungan mo akong mapalapit lalo sa kanya."

Humalakhak ako. "Kailangan mo pa ba 'yon? Eh niyaya ka na nga niya. Saka...bakit sa akin?"

Narinig ko siyang huminga ng malalim. "Crush na crush ko talaga siya, Lae. Pero narinig ko kasing crush din pala siya no'ng sophomore na maganda." Sabi niya. Ramdam ko ang panghihina sa kanyang boses.

Sinong sophomore? Ang alam ko, si Christian ang may nagugustuhan na sophomore. Not the other way around. Pero para mas makasigurado, tinanong ko na rin siya.

"Sino naman?" I asked.

"'yong maganda sa Section A. Carla yata ang pangalan. Nakasama niyo na rin dati 'yon sa quiz bee."

Tumangu-tango ako. Tama ang hinala ko.

"Si Carlyn." Pagtatama ko.

Paakyat na kami ngayon sa hagdan papunta sa classroom. Nakahawak pa rin sa akin si Monica habang nagkukwentuhan.

"Oo siya nga."

I scoffed. "Selos ka?"

"Uhm. Medyo? Hindi ko alam. Tulungan mo na ako."

"Tss. Bakit nga ako?"

Tumigil kami sa paglalakad. Tumuwid siya sa pagkakatayo at humigpit ang hawak niya sa aking braso.

"Hindi ba...madalas kayong mag-usap? Noong pumunta kayo kila Paul, close kayo." Aniya.

Mataman ko siyang tiningnan. Seryosong-seryoso siya sa sinasabi. I never saw her so serious like this.

She added. "Ikaw lang ang kinakausap no'n sa classroom natin maliban kila Gil at Edmund. Kahit ako, aloof pa sa kanya."

Ngumuso ako. Bumaba ang tingin ko sa nakahawak niyang mga kamay.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon