Lae
"Are you done with your school works?" Iyon ang bungad niya sa akin ng madatnan niya ako rito sa kwarto na nakahiga.
Pagod na pagod ako ngayong araw dahil sa hindi matapus-tapos na presentation sa sandamakmak ng case studies. Isali pa ang nerve-wracking na long hours ng discussion namin sa mga lessons kasama ang CI namin at mga readings para sa susunod na meetings.
Isali pa ang mga paper works namin para sa research. The least thing I wanted to happen is to not be disturbed by anyone because I just wanted to sleep.
"Hmm?" Lingon ko sa kanya pero nakapikit na ang mga mata ko.
Nakakapasok na si Christian dito sa kwarto ko dahil malaki ang tiwala sa kanya ng landlady namin. Agad niyang nakuha ang loob nito kaya malaya siyang makapasok o kung minsan ay...makitulog rito.
Marahan akong nagmulat. My vision were a bit blurry because I was suddenly awakened from my deep slumber. Kita kong binuksan na ni Chris ang bag ko para tingnan ang ilang notes ko. Isa-isa niya iyong binasa at inilapag sa mesa ko.
"May mga readings ka pa, love, at ilang kailangang tapusin. Bangon na diyan." Aniya.
Oh, no. Can I just take a nap?
"Chris..." tawag ko sa kanya.
Lumingon siya sa gawi ko habang ini-scan ang notes ko. He's still wearing his school uniform. Bukas na nga lang ang ilang butones no'n dahil tapos na ang klase. Ako naman ay nakahiga pa rin sa kama dahil pakiramdam ko, drained na drained na ako.l sa maghapon klase at activities.
"Can I just call it a night? I'm so tired." Namamaos kong sabi.
His eyes met mine. Disappointment ang una kong nakita sa mukha niya. I felt the same, too. And at that moment, alam ko na ang susunod na sasabihin niya.
"Look, Lae. I know that you're tired from all these things pero paano natin makukumbinsi ang Papa mo sa ating dalawa? I want him to know about us. Gusto kong maging legal tayo sa kanya. If you will not do your best from all these things, paano natin ipapakita sa kanyang hindi maaapektuhan ang pag-aaral natin kahit na magkarelasyon tayo?"
I pouted. Unti-unti akong umahon sa pagkakahiga.
"I know but..." I sighed. Ilang beses ko nang sinasagot ko ito sa kanya kahit alam kong may ipantatabla siya rito pero ito talaga ang nararamdaman ko.
"I'm so tired, Chris. I'll sleep early so I can wake up early the next day, too. Tatapusin ko ang mga hindi ko natapos ngayon." I reasoned out.
"Mas gusto mong magpahinga ngayon at tapusin ang mga gawain mo mamaya? Lae, you can do these things now and rest later."
"But Chris..."
"Rest for a while." Inilapag niya ang notebook na hawak niya sa mesa. "Bibili na lang ako ng ulam para mas mabilis. We'll study tonight. You have to finish everything para hindi ka matambakan ng mga gagawin bukas." He said authoritatively.
Hindi na ako sumagot. Hindi na ako nagrason. For what? Siya rin naman ang masusunod.
Hindi niya na hinintay ang magiging reaksyon ko. He held the back of my head and kissed me on my forehead. Somehow, nakagaan naman iyon sa pakiramdam. Sandaling nagtama ang mga mata namin habang hinahaplos niya ang isang pisngi ko. Kapag kuwa'y umalis na rin siya.
But I am so tired that the moment he closed the door, muli akong sumalampak sa kama para mahiga at mag-inat sandali.
Chris has been like these after something happened between the two of us. He wanted to get Papa's blessing on us. At ang nakikita niyang rason kung bakit hindi ako pinapayagan na paligawan ngayon ni Papa ay dahil sa pag-aaral.
BINABASA MO ANG
Bridge
RomanceMag-kaklase si Lae at Christian noong high school sila. Both of them are honor students, kaya mahigpit ang kumpetisyon sa academics at extra-curricular activities. Lae is a bubbly girl, with a positive outlook and friendly to everyone. However, Chri...