Lae
Dumating ang araw ng Biyernes. Hindi ako mapakali sa kabang nararamdaman ko. Ngayon ang araw ng pagbibigayan ng regalo para sa Monito at Monita. Ito na rin ang huling araw nito. Ititigil na rin kasi namin dahil Christmas Party na rin namin next week.
Nakipagpalit ako ng taong reregaluhan kay Monica dahil gusto niyang siya ang magregalo sa taong ako dapat ang magbibigay ng regalo. Okay lang. Iyon naman talaga ang plano 'di ba? Ang maipaglapit silang dalawa.
Iyon lang ang role ko. After this stupid mission, I'll back off.
Nasa loob ng bag ko ngayon ang maliit na supot na papel na may lamang cheesecake. Ibibigay ko iyon kay Gil. Hindi na ako masyadong nag-abala pa sa ibibigay ko sa kanya dahil aaminin ko, medyo nawalan na ako ng ganang magbigay ng regalo.
Pero dala ko rin ang regalo ko para kay Christian. After all, ako naman ang original na nakabunot sa kanya. Bibigyan ko rin siya ng regalo. Tutal, huling handugan naman na ng regalo ito bago ang exchange gift sa mismong araw ng Christmas Party, ibibigay ko sa kanya ang isang plush pillow na may nakasulat na 'calm' at ang isang plush octopus na kulay blue.
I know that his favorite color is blue. Nabanggit niya na sa akin iyon minsan, noong inaalam ko ang mga bagay-bagay tungkol sa kanya para may ma-report ako kay Monica.
Pero hindi ko pwedeng ibigay iyon ngayong umaga. Magtataka ang mga classmate ko panigurado. Lalo na ang kaibigan ko. It will only create confusion on her.
Saka na lang kapag may pagkakataon.
"Class, ibigay niyo na ang mga regalo ninyo sa mga nabunot niyo!" nakangiting sabi ni Ma'am Wilma.
Biglang nag-ingay ng bahagya sa loob ng classroom. Okay lang naman iyon sa adviser namin. It's expected, everyone is excited kung sino ang magreregalo at kung ano ang ireregalo sa bawat isa. I even saw Aby squealing in giddiness. Nabunot niya kasi ang crush niya kaya hindi niya pinalampas ang pagkakataon.
Inilabas ko ang regalo ko na nakalagay sa paper bag na kulay brown. I sighed. Unti-unti akong nakakaramdam ng kaba at hiya na rin. Alam kasi ni Christian na ako ang nakabunot sa kanya. Ano kayang mararamdaman niya kung sakaling...hindi pala talaga siya ang bibigyan ko.
I heavily exhaled my nervousness. Bahala na.
Tumayo ako at humarap sa likod. Ibibigay ko na lang ng mabilis para hindi na awkward itong nararamdaman ko.
Tinungo ko ang upuan kung nasaan si Gil. I sighed. Naroon pa rin siya sa kinauupuan niya. Sa upuan kung saan...katabi niya rin si Christian. All the while, our gazes locked as I approached their seat. I can almost see a ghost of smile in his lips. Mas lalo akong kinabahan at nanlumo. Bakas kasi sa mukha niya ang expectation na siya ang pupuntahan ko habang papalapit ako sa kinauupuan nila.
I smiled awkwardly when I got closer to them.
"H-Hi boys!" nauutal kong sabi.
Isa-isa ko silang pinasadahan ng tingin. Gil and Edmund were smiling widely at me. Nakita ko pa ang patagong pagsiko ni Gil sa tagiliran ni Christian. Nang magtama ang tingin naming dalawa, I just nodded and smiled a bit.
May ibinulong pa siya sa kanya na hindi ko na rin binigyan pa ng pansin.
Humakbang pa ako ng isang beses para makalapit sa kanila. Humigpit ng kaunti ang hawak ko sa paper bag. Malamang, nalukot na ang unang bahagi no'n.
I can see Christian shifted on his seat. My heart dropped the moment I caught him staring at me intently.
Iniwas ko na ang tingin kay Christian. I felt awkward already. Bahagya akong ngumiti kay Gil bago ko inilapag ang paperbag sa arm chair niya.
BINABASA MO ANG
Bridge
RomanceMag-kaklase si Lae at Christian noong high school sila. Both of them are honor students, kaya mahigpit ang kumpetisyon sa academics at extra-curricular activities. Lae is a bubbly girl, with a positive outlook and friendly to everyone. However, Chri...