Lae
Maaga akong nagising kinabukasan kahit halos madaling-araw na akong nakatulog. Ang daming lumalakbay sa isip ko, partikular sa mga nangyari kahapon at sa hindi ko inaasahang pagkikita namin ni Christian.
I wanted to tell him about Patricia, but seeing how happy and settled he is now, pakiramdam ko, hindi niya na kailangan pang malaman iyon. Gugulo lang ang buhay niya at siguradong pati ang relasyon nila ni Lexie ay maaapektuhan.
Maybe, Papa is right? Dadalhin na lang namin hanggang sa hukay ang sikretong ito.
Ang tagal kong hindi siya nakasama. Ni wala pa siyang isang buwan ay nawalay na siya sa akin. Hindi ko nga alam kung paano magpaka-nanay sa kanya. Si Papa ang tumayong magulang niya habang nasa Amerika ako. Kaya lahat ng ito ay bago lang sa akin.
Matapos kong mag-ayos ng sarili, agad kong pinuntahan ang kwarto ni Patty. Gusto kong ako ang mag-asikaso sa kanya papunta sa eskwela.
Pero nang buksan ko ang kwarto niya ay wala na siya roon.
Kumunot ang noo ko. Ganito ba siya kaaga magising? Pasado alas sais pa lang ng umaga ah?
Bumaba ako para tingnan siya roon. Hindi ako nagkamali nang makita ko sila sa sala. Kasalukuyan na siyang sinusuklayan ni Manang Lusing. Nakasuot na rin siya ng uniporme niya at mukhang handa na sa pagpasok sa eskwela.
"Ang aga mo namang gumayak." nakangiting sabi ko sa kanya. Lumapit ako sa kanila para mahalikan siya.
"Maaga talagang nagigising ang batang ito kapag may pasok sa eskwela." Si Manang Lusing. Nangiti siya matapos suklayin ang buhok ni Patty. "Ayan, mamaya ko na titirintasin kapag natuyo na ang buhok mo ah?"
Patty smiled at her while nodding. Nangiti rin ako. I love the way she smiles. She reminds me of someone...I lost for years.
"Good morning, Laelae." bati niya sa akin.
I squatted in front of her so that our eyes will meet. She really like me when I was her age. Naka-head band siya pero bahagya kong inayos ang bangs niya para hindi mapunta sa kanyang mata.
"Gusto mo bang ako na lang ang sumama sa'yo sa school?" I asked with my voice full of hopes.
Kung gugustuhin niya, kahit araw-araw ko siyang samahan ay walang problema. I am very willing to accompany her. Pero kung ayaw niya'y hindi ko siya pipilitin. We've been separated for years and I would understand if she can't get along with me yet kahit madalas kaming mag-usap sa video call.
"Okay!" Kibit balikat niyang sabi habang nangingiti pa.
Kaya habang pinapakain siya ni Manang Lusing ay mabilis ang naging pag-gayak ko. Naligo at nagbihis agad ako. Kailangan kong magmadali dahil baka mauna siyang matapos sa pagkain. Kaunting tingin sa salamin, pahid ng kaunting pressed powder at tint sa labi at pisngi, okay na!
Si Papa ang naghatid sa amin sa school niya. Nagpaiwan na ako roon. Gusto ko siyang bantayan hanggang sa matapos siya mamayang tanghali. Ako rin ang nag-asikaso sa kanya nang mag-recess. Nanay na nanay ang dating ko sa kanya.
"Wow, Patty! Bumata ang bantay mo ah?" Biro sa kanya ng isang babaeng bantay din ng classmate niya.
She chuckled. Bahagya rin akong natawa. Hindi ko alam kung naintindihan ba niya ang ibig sabihin ng kumausap sa kanya.
"Ang laki ng age gap niyo, 'no?" Dugtong nito, sa akin na siya ngayon nakikipag-usap.
Nag-angat ako ng tingin sa kausap ko. Saglit akong natigilan habang inaayos ang bimpo sa likod ni Patricia pero agad din akong nakahuma. Umalis din siya agad pagkatapos kong ayusin iyon.
BINABASA MO ANG
Bridge
RomanceMag-kaklase si Lae at Christian noong high school sila. Both of them are honor students, kaya mahigpit ang kumpetisyon sa academics at extra-curricular activities. Lae is a bubbly girl, with a positive outlook and friendly to everyone. However, Chri...