Lae
Dalawang araw na lang bago ang Christmas Party pero hindi ko pa rin nagagawa ang gustong mangyari ni Monica. Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa nagagawang sabihin iyon sa kanya kahit ang mismong si Paul Luis na ang nagyaya sa amin nang araw na nag-usap kami sa library.
Ang isiping baka pumunta nga siya sa birthday celebration na iyon ay parang mabigat na sa dibdib ko. Siguro dahil...alam kong hindi rin ako sigurado kung makakapunta ako kila Paul. Naka-Christmas break si Tatay mula sa trabaho ng ilang araw lang. Ang gusto namin ay nasusulit namin ang baksyon niya dahil buwan ulit ang bibilangin bago siya makauwi ulit, depende kung may misyon siya o dili kaya'y hindi pinayagan ng kanyang commander.
Everyone in the room is busy chatting and planning for the upcoming party. Ibinigay na sa amin ng adviser namin ang oras na ito para makapagplano kung ano ang mga dadalhin na pagkain, kung magkano ang ceiling ng amount para sa exchange gifts, mga games na gagawin, at kung anu-ano pa.
Samantalang ako, nakaupo lang sa isang sulok habang walang buhay na nag-iscroll ng kung anu-ano sa social media account ko.
Hindi naman ako ganito dati. Kapag may mga activities kami, lagi akong aktibo. Lagi akong may ambag sa mga gagawin. Kung hindi lang siguro ako kinakain ng mga naiisip ko ngayon, malamang ay nasa grupo na ako nila Paul Luis at Joshua, nagbe-brainstor ng mga pwedeng gawin sa Christmas Party ngayong taon.
Ganito ba ako ka-preoccupied? Sobrang seryoso ko na ba para isipin ang mga bagay-bagay na 'to?
In the middle of making myself busy on my phone, nag-text si Christian sa akin.
Christian:
Okay ka lang ba?
I pouted. Sandali ko siyang sinulyapan mula sa likod. He's two arm chairs away from me. Nagtama ang mga mata namin. Napansin niyang tahimik ako? Ano 'yon? Kanina pa ba niya ako pinagmamasdan.
I gave him a small wary smile before I looked away and settled on my seat again. Tamad akong nagtipa ng reply sa kanya.
Ako:
Oo. Ba't ka nagtext?
Christian:
Kanina ka pa tahimik.
I smiled. Kanina pa nga niya ako napapansin.
Ako:
Okay lang ako.
I sighed after I sent the message. Okay lang ba talaga ako?
Christian:
Magkita tayo after lunch sa botanical garden.
Awtomatiko akong nagtipa ng reply na 'bakit' pero hindi ko rin naman agad iyon nai-send sa kanya. Bakit niya ako yayayain do'n? May sasabihin ba siya? Bakit hindi na lang niya sabihin sa akin ngayon? O kaya sa text kung ayaw niyang may ibang makaalam.
Sa huli, binura ko ang unang tinipa ko na mensahe at muling nagtype ng ire-reply sa kanya.
Ako:
Okay.
Naramdaman ko ang pagyanig ng katawan ko nang may humawak sa magkabilang balikat ko mula sa aking likod at makailang ulit iyong niyugyog.
"Hoy! Ba't nagmumukmok ka rito?" si Paul Luis.
Para akong kiti-kiting biglang napakilos dahil sa kiliting idinulot ng mariin niyang paghawak sa balikat ko. napalakas pa ang halakhak ko dahil hindi ko iyon inasahan. Nagtayuan ang mga balahibo ko't agad na umiwas sa kanya.
"Paul Luis!" awat ko sa kanya pero hindi niya ako pinakinggan.
Lalong lumakas ang tawa niya. Hindi niya ako binitawan. Lalo niya lang idiniin ang mga kamay niya sa balikat ko. Parang mapupugto ang hininga ko dahil hindi ko na kinakaya ang pangingilit niya sa akin. I just giggled and wriggled my body so I'll lose from his hold.
BINABASA MO ANG
Bridge
RomanceMag-kaklase si Lae at Christian noong high school sila. Both of them are honor students, kaya mahigpit ang kumpetisyon sa academics at extra-curricular activities. Lae is a bubbly girl, with a positive outlook and friendly to everyone. However, Chri...