Prologue

429 11 2
                                    

Nag-umpisa ako bilang dakilang tagahanga mo. Oo, sa kabila ng kapangitan mo nakuha ko pang hangaan ka. Wag kang magagalit kasi totoo naman. Wala kang abs. Maitim ka. At ang mas nakakaturn off pa ay iyang kapayatan mo. Dinaig mo pa si Jam na may sakit eh. Tapos kung ngumiti ka pa lumalabas lahat ng ngipin mo isama mo na yung malupit mong gilagid. At eto pa ha, nakuha mo pa talagang kumanta at NAGPAPALSETO KA PA. Feeling mo naman ikaw si Bruno Mars. Lul. At oo, sa kabila ng pagiging balahura mo, maraming nagkakacrush sayo. Wala kang pakundangan, pati akong inosente at MAGANDA LANG sinama mo. Pano ba naman kasi ang tali-talino mo. Lahat na yata alam mo eh. Magaling kang magdrawing. Magaling ka sa academics. Pati extra curriculars inangkin mo. Palagi ka pang nananalo sa quiz bee at sa iba pang kaek ekan. Normal ka pa ba? Pero tangina lang, sa dinami dami ng alam mo, wala ka man lang nalalaman sa nararamdaman ko. At higit sa lahat...

Wait lang tatae muna ko bago ko ituloy tong nakakasukang confession ko. K.

___

Original Story by Lewin Josue

Copyright, 2015

The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon