Confession#2

188 6 0
                                    

Nalaman kong ang galing mo pala magdrawing. Lahat na siguro ng drawing sa English Book natin ginaya mo. Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko at natripan kong gayahin ka. Pati yung inosenteng gaas namin sa bahay ginamit ko pambakat para magmukhang maayos yung drawing ko. Wala eh, trying hard talaga kong gayahin ka. Hindi mo alam pero grade 1 pa lang ako marunong na kong magpapansin. Kaso parang wala pa ding epekto sayo. Ilang beses na ding kinukwento ng echosera kong nanay sa mama mo na marunong na kong magdrawing. Pero wala eh, wala ka talagang reaksyon. Straight face ka pa din. Sarap mong murahin ng mga panahong yan. At sa totoo lang, naiinis din ako sa pakiramdam ko pag hindi mo ko napapansin. Parang hindi buo, parang may kulang. Pasensya na kung ang gulo ko, bata pa kasi ako nyan at wala akong idea kung naglalandi na ba ako o hindi nung mga panahong yan.

The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon