Lumipas ang mga araw at buwan na puro iwas lang ang ginawa ko. Ni tingin sayo eh hindi ko ginawa dahil pursigido na talaga kong kalimutan yung nararamdaman ko para sayo. Naisip ko kasing hindi na ko masasaktan pag tuluyan na lang kitang kinalimutan at palayasin sa wasak na puso ko. Tsaka hindi mo naman ako kinakausap o pinapansin man lang kaya naisip ko na gayahin ka na lang para patas ang labanan. Psh. Kung makalayo ka sakin akala mo isa akong malaking virus! Tong gagong to!
Pinilit ko at ginawa ko talaga lahat. Tinakwil ko ang music na naging buhay ko.. Tinigil ko ang pagbabasa ng mga Romance Books para hindi na kita maalala. At sa tuwing umuulan eh natutulog na lang ako at inaalis sa utak ko ang salitang "senti mode".
Common ways ko lang yan para makakalimot. Alam kong kaya ko ulit magmove forward sayo kasi nagawa ko na yon dati nung crush pa lang kita.At ngayong gusto na kita, sobrang hirap nang gawin ulit yon.
Sobrang hirap nang makamove on.
Uso naman yon diba? Magmove-on kahit hindi naging "kayo"? Wag nyo kong pagtawanan, ginagaya ko lang kayo. Wala eh, uso eh. Sumasabay lang ako. BWAHAHA!Hanggang sa nagThird year HS na tayo.
Kung malandi ako nung 2nd year eh mas lumandi naman ako noong 3rd year. Pero may limitations. May hangganan. May nagustuhan ako pero naulit lang yung nangyari. Tulad mo, hindi nya rin ako gusto.
Pero ang pagkakaiba nyo lang ay paasa sya at ikaw hindi. Buti na lang hindi nagtagal yung pagkagusto ko dun at solid pa rin ako sa prinsipyong "crush lang."
Pakiramdam ko nga lahat ng tao inaayawan ako. Dahil ba sa pangit ako? Sabagay, sino nga ba namang ugok at engot na maniniwalang maganda ako in and out? Charot.
Nawalan na ko ng ganang mag-aral. Nawala na ko sa Top noon at halos araw araw eh nasa galaan ako. Hindi na ko gumagawa ng assignments, ni tingin sa mga notebook ko eh hindi ko ginawa. Simple lang ang dahilan: tinatamad ako at walang inspirasyon.
Kung sana gusto pa rin kita noon eh todo aral na ko. Kaso wala eh. Nakalimutan ko pa nga na dapat magulang ko ang una kong gawing inspirasyon bago sayo.
Naging mas pasaway pa ko. Gabi na ko umuuwi at lahat ng bawal eh ginagawa ko. Ako na, ako na talaga ang masama.
Hindi na rin kita gusto no'n at wala na kong pakialam sayo dahil masaya naman ako sa buhay ko.
Hanggang sa isang araw eh natauhan ako dahil nakita kong umiiyak ang mama ko. Dahil siguro sa sama ng loob saken.
Gabi na noon at hinihintay pa nya kong umuwi. Nakaramdam ako ng awa at konsensya dahil napaiyak ko yung nanay kong walang ibang ginawa kundi intindihin ako.
That day I promised to myself na hindi ko na hahayaang umiyak ulit si mama dahil sakin.
And yes, inaamin ko na wasted ako dati kaya ko ginawa yon. Pakiramdam ko binasura ako ng lahat ng tao. At maling naramdaman ko yun dahil una sa lahat, hindi naman ako binasura ng pamilya ko.
Nandyan pa rin sila kahit araw araw eh nasasagot ko sila. Kahit araw araw eh binibigyan ko sila ng sama ng loob.
Isa yan sa mga natutunan ko: ang mahalin ang magulang dahil sa huli sila pa rin ang kasangga mo. At napakatanga ko dati dahil hindi ko naisip yon. Akala ko tama lang lahat ng ginagawa ko. Akala ko tama ako. Yun pala nakakasakit na ko ng ibang tao dahil lang sa miserable ako.
Oo, nareject ang super solid kong pagkagusto sayo pero hindi naman pala ibig sabihin no'n eh sisirain ko ang buhay ko. Bata pa kasi ako non at immature mag-isip kaya nagawa ko ang mga bagay na yon. First time ko lang kasi makaramdam ng ganun kaya nung hindi mo ko pinansin eh BOOM! Nagpakamiserable ako.
That's one thing na natutunan ko dahil sayo. Binigyan mo ko ng leksyon sa buhay sa paraang hindi mo alam. Yiee.. natatouch sya. >3<
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
Teen FictionThe love that loves the longest is the love that is never returned.