Confession #41

39 5 0
                                    

"Huhuhuhu, bakla sya mga bhi. Baklaaaaa! Huhuhu!"

"Oh baka magpakamatay ka na dyan ah. Iyak lang bhi."

Inabutan nanaman ulit ako ni Norilyn ng tissue. Teka, pang-ilang tissue na ba to? Parang ang dami yata nilang tissue.

Pero waaaah! Imagine, nagkagusto at nagmahal ako sa isang bakla?! WTF. TT.TT
Ang sarap magpakamatay. Nakakahiya. ANU BANG GINAWA KONG MALAKING KASALANAN DATI AT PINAPARUSAHAN AKO NG GANITO? Dahil ba sa tinusok ko ng ballpen yung dati kong kaklase? Dahil ba nilagyan ko ng bubble gum yung upuan ng kaaway ko? Dahil ba sa paninira ko ng mga sapatos ko dati para ibili ako ng bago? Dahil ba do'n kaya ako kinakarma ngayon?

"Bhi yung sipon mo oh. Eto pa tissue."

Inabutan pa nila ko ulit ng tissue at sa pagkakataong yon ay hindi ko na napigilan pang itanung kung bakit ang dami nilang tissue'ng dala.

"Huhuhu! Teka nga, bakit parang ang dami nyong supply nito? Huhuhu" tanung ko sa kanila habang itinaas ko ang hawak kong tissue.

Nagkatinginan silang apat at nagngitian.

Halatang may tinatago sila sakin kaya agad ko silang tinanung.

"Ba't kayo nakangiti? San ba kasi galing mga tissue'ng to?"

Bigla na lang silang nagtawanan ng malakas. Mga baliw talaga. Tsk.

At dahil sa na-curious ako, kinulit ko sila ng kinulit hanggang sa napilitan silang magsalita.

"Kasi ang totoo bhi.."

"Ano?"

"Ang totoo ay.."

"Anu nga? Paintense pa to."



"Si Pedro yung nagsusupply sayo ng tissue."

Biglang nawala ang ngiti ko nang marinig ko ang pangalan mo. Ikaw? Bakit ikaw? Pa'nung...

"Kasi bhi, alam nyang iiyak ka kaya sikreto nya kaming sinabihan para iabot sayo yung ilang box ng tissue. Sorry talaga kung di namin nasabi."

WTF.

At bakit mo ako sinusuplayan ng tissue? Anung gusto mong ipahiwatig? Fulfilled ka na ba dahil napaiyak mo ko?
Nyeta kang bakla ka.

"At tinanggap nyo naman?" naiiyak na tanung ko.

Bago pa sila sumagot, muli nila akong inabutan ng isa pang tissue at ako naman tong si tanga na tumanggap.

"Eh wala naman kasi kaming budget para bilhan ka ng boxes ng tissue. Might as well sulitin na lang namin yung sinusupply ni Pedro kesa naman bumaha ng luha sa bahay nyo." mahabang paliwanag ni Joyce.

Grabe. Nakaka-touch, sobra.

Sa sobrang touch ko parang gusto ko ng ngumawa ulit.

"Sigurado ka ba talagang bakla si Pedro?" tanung ni Norilyn.

"Oo. Sinabi nya sakin ng harapan yun."
maluha-luhang sagot ko.

"Kung bakla talaga sya, bakit nya nililigawan si Fin?" nagtatakang tanung nito.

"Malay mo palabas lang yun para hindi mahalatang bakla sya."

Nagulat ako ng bigla silang magtawanan ng malakas. Okay. Mali ba ang conclusion ko tungkol sa pagkatao ni Pedro?

"Hindi sya bakla. Sinabi lang nya yun sayo para maturn-off ka sa kanya. Para itigil mo na yang kahibangan mo. Matauhan ka na nga kasi. Isa lang naman kasi ibig sabihin non eh. Ayaw nya sayo."




Ouch.

Where do broken hearts go~
Can they find their way home-
Back to the open arms~
Of a love that's waiting there~


Isa pang ouch.


Pero ang sakit sakit lang kasi. Buong buhay ko wala naman akong naging long time crush kundi ikaw lang. Ikaw lang yung minahal ko. Ikaw lang yung taong.. Tapos ganun? Tapos harap-harapan mong sasabihin sakin na bakla ka? When in fact sinabi mo lang YATA yun para maturn-off ako sayo? Para tigilan na kita? Ganun ba? Kasi kung oo..



WALA LANG.
MASAKIT EH.
SOBRANG SAKIT LANG.

You should have tell me na hindi mo 'ko gusto. Hindi yung kailangan mo pang magsabi ng kasinungalingan para lang masira ang pantasya ko sayo.
Sana sinabi mo na lang, "Sorry, Lita. Hindi kasi kita gusto eh." Hindi yung, "Ano kasi eh, bakla ako."
O diba?
Kahit sino naman yata mapapamura sa sinabi mo.

"Oh ano? Naalog na ba utak mo? O kelangan pa naming kalugin? Baka kulang pa yung conclusions namin ah." prangkang sabi ni Christine.

"Oo na. Tama na kayo. Mukhang kailangan ko na nga yatang magmove-on." surrender ko sa kanila.

"Ba't ngayon mo lang naisip yan?" natatawang sagot ni Norilyn.

"Kasi ayoko na. Napapagod na rin ako. Gusto ko ng makalimot." malungkot na sabi ko.

They all looked at me in disbelief.

The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon