It's November 11 at walang pasok!
Nagbasa-basa lang ako ng mga kung anu-ano tapos kumain tapos natulog.
Nagbasa-basa lang ako ng mga kung anu-ano tapos kumain tapos natulog.
Nagbasa-basa lang ako ng mga kung anu-ano tapos kumain tapos natulog.
Bakit ko nga ba pinapaulit-ulit pa? Eh puro ganyan lang naman kasi ang routine ng buhay ko. Nakakasawa na nga eh.
Nagbasa, kumain, natulog.
Nagkathrill nga lang ang buhay ko dahil kami ang mag-iisip ng kwento para sa film. Alas- 2 ng hapon no'n nang gumora kami sa school para gumawa ng script. Puro kagaguhan lang ang naiisip ko kaya in the end yung dalawang kasama ko na lang ang nag-isip ng plot.
Umakyat pa nga kami sa 3rd floor dahil hindi gumagana ang imahinasyon namin pag maingay. Pag-akyat sa taas eh paulit ulit ko lang kinakanta ang first two lines ng chorus ng "All of Me".. Ewan.. Na-LSS ako mga be.
Nasira lang ang super gandang pagkanta ko ng asarin ako ng mga kaklase natin kaya napagpasyahan ko na lang itikom ang bibig ko. Pagpasok namin sa isang bakanteng room eh nag-isip na kami ng script. Uupo pa nga lang ako nang marinig ko ang sigawan ng mga kaibigan ko sa labas ng room. Tinatawag pa nga nila ako at gusto ko ring lumabas pero hindi ko magawa dahil busy kami sa script. Tsaka lang ako lumabas noong nakaisip na kami ng lines.
"Oh anong nangyari?" curious kong tanung sa kanila.
"KYAAAAH! Kinanta din ni Peds yung All of Me tapos tumingin sya dito banda satin! Waaah siguro narinig ka nyang kumanta!"
HUH?
WEH?
Pagkatapos nyang sabihin 'yon eh tumingin ako sa baba at nakita kitang nakangiting naglalaro ng basketball. Ang gwapo-gwapo mong tignan habang nagdidribble ng bola.
Ang gwapo-gwapo mong tignan habang pinapasa mo ito. At mas lalong ang gwapo-gwapo mong tignan pag nakakashoot ka.
Gaaad! Bakit ba lahat ng ginagawa mo gwapo sa paningin ko? May problema na ba ko sa paningin? Nabubulag na ba ko?
'Oo. Bulag ka na sa pagmamahal mo.' mahinang tugon ng puso ko.
Tumalikod na ko at bumalik na sa room. Gusto ko na sanang kiligin dahil kinanta mo rin yung kinakanta ko, pero natatakot ako kasi baka pag kinilig ako ngayon..
Bukas hindi na. Bukas masasaktan mo nanaman ako. Nakakatakot kiligin lalo na kung alam mong masasaktan ka rin lang. Siguro nga duwag na ko, duwag na duwag nang sumugal ang puso ko dahil alam na ng utak ko ang ending nito. Alam kong sa huli, ako lang din yung masasaktan sa kagagahan kong 'to.
Madilim na nung bumaba kami mula sa room. Naglalaro ka pa rin ng basketball at kahit pagod ka, bakas pa rin sa mukha mo ang saya. Tumatawa tawa ka pa nga kaya naramdaman ko na naman ang malakas na pagkabog ng puso ko. Abnormal heartbeats is attacking me again and again.
Kaya please lang, pag ngingiti ka o tatawa ka, siguraduhin mong hindi ko nakikita. Maawa ka naman sa puso ko.
'I hate the way you walk
Hate the way you talk
Hate the way you look at me'Ay? Ganun? Biglang epal si Kim Chiu?
'Hate the way you smile
Hate those big brown eyes
'Coz I know they're not for me'Kasabay ng sunod sunot na pagshoot mo ng bola eh ang malakas na hiyawan ng mga nanonood kong kaklase. Hindi ko na rin naiwasan pang tumitig sayo dahil wala namang nakakakitang nakatingin ako sayo. Kitang kita ko ang malalaking ngiting gumuguhit sa labi mo habang naglalaro.
'But we can never be..
More than friends and it hurts me
Everytime I close my eyes
All I see is you'At para sakin...
Ito na ang isa sa pinakamagandang eksenang nakita ko.
Dinaig pa nito ang mga eksena sa mga sikat na romantic films at teleserye..Walang-wala ang gwapong mukha ni Coco Martin at kinabog pa nito ang magandang ngiti ni Ruru Madrid..
Ito yung ngiting hindi nakakapagpalaglag ng panty.. Pero nakakapagpalaglag ng puso..
'And this crazy love..
Crazy love..
Oh this crazy love..
Crazy love..'Nakakabaliw ang mga tagpo ngayon. At nakamamatay pag hindi ko nakita.
'I hate thinking of you.. Coz everytime I do, I just keep on missing you..
And I hate the way I feel, everytime your near..
Coz it feels like time is standing still..Maraming naglalaro pero isang tao lang ang nahahagip ng mata ko. Maraming naglalaro pero isang tao lang ang nangingibabaw. Ikaw lang yung nag-iisang nakikita ng mata ko gayong isa ka ka lang sa mga naglalaro..
'But we can never be..
More than friends and it hurts me
Everytime I close my eyes
All I see is you'And this crazy love..
Crazy love..
Oh this crazy love..
Crazy love..Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko nanaman ang abnormal na pagkabog nito.
'I hate it when you're blue
And how I cared for you
Hate the way my heart desires
And I hate those sleepless nights
And the pain I kept inside
But I keep on pretending it's alrightBakit ganun Pedro? Bakit ang isang ordinaryong tulad mo, kayang patibukin ng sobrang lakas ang puso ng isang magandang nilalang na tulad ko? Anung klaseng tao ka? Kalahi ka ba ng alieng si Matteo Do? O abnormal ka lang din talaga tulad ko?
'But we can never be..
More than friends and it hurts me
Everytime I close my eyes
All I see is you'And this crazy love..
Crazy love..
Oh this crazy love..
Crazy love..'Hindi pa rin natapos ang laro at patuloy pa rin ako sa pagtitig sayo at umaasang magawi ang tingin mo sakin. Pero inamag na ko't lahat lahat dito eh ni isang lingon eh hindi mo ako napagbigyan.
"Uwi na tayo." aya ko sa mga kasama ko.
Tumayo rin sila at inayos ang mga gamit nila. Habang naglalakad kami palabas, I gave you one last look..
'I don't know what to do..
Hate me for loving you..
'Coz I know it's wrong for me to say...
I love you.....and I was shocked to see you looking back at me..
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
Teen FictionThe love that loves the longest is the love that is never returned.