Confession #28

39 4 0
                                    

'Your my entire story yet I am nothing but a sentence with you.'


I scrolled down the message pero wala na itong kasunod.

Sira-ulo.


Ano naman kayang problema ng taong yun?


I typed a message at agad ko namang isinend ito sa kanya.


To: Joselito Ammonia

'Problema mo?'


Nagreply naman ang ugok agad-agad.


From: Joselito Ammonia

'Wala. Quote yan, gaga.'


Hindi na ko nagreply dahil narinig ko na ang pagdagundong ng alarm clock ko. Tumayo na ako at nag-inat inat ng mga galamay. Syempre, the usual routine. Ayoko nang i-elaborate. Nakakatamad. Nakalimutan ko na bang sabihin sa inyo na Monday ngayon? OO MONDAY NGAYON. At isa lang ang ibig sabihin ng MONDAY- NAKAKATAMAD.


Pagdating sa school eh nagcheck lang kami ng mga assignments. At nataon namang napunta sakin ang notebook mo Peds. Nang maipamigay na lahat ng notebook eh sumigaw ang isang kaklase natin na hawak mo ang notebook ko.


Syempre naloka naman ang beauty ko no'n.


Come to think of it, hawak mo ang notebook ko at hawak ko ang notebook mo.Naiisip mo ba, Peds?


Naiisip mo ba ang naiisip ko?


Nasesense mo ba ang ibig sabihin ng pangitaing to?


BWAHAHAHA. I told you! Soulmates talaga tayo. ;">>>


Bandang recess no'n nang pumunta ka sa harapan dahil may i-aannounce ka tungkol sa sports day. Team leader ka kasi ng section natin kaya nasayo ang listahan ng mga maglalaro. Isa-isa mong sinabi yung pangalan at wala ako sa kahit isa sa mga maglalaro. Nang marinig ko yung patintero eh nagprisinta ako sa harap mo na sasali ako.


"Pwede pang sumali?" tanung ko sayo.


Tumingin ka sakin at nagsalita. "Puno na eh, sakto lima na."


Nanghihinayang akong umupo dahil wala akong nasalihan kahit isa. Inasar-asar naman ako ng baliw nating kaklaseng lalaki na sa volleyball na lang daw ako sumali tutal malapad naman daw ang noo ko at ito ang gamitin ko pantira sa bola.


Tumawa lang ako in a major major sarcastic way dahil sa super bentang joke nya sakin.


Patuloy pa rin syang nang-asar kaya nakipag-asaran na lang din ako sa kanya. Ikaw naman Pedro eh nagsasalita lang sa harapan at kausap mo yung isang kaklase natin na nasa likuran ko. Si Christine naman at yung katabi nya eh tawa ng tawa dahil kinikilig raw sila.


Hindi ko naman alam kung anung nakakakilig dahil busy pa kong makipag-asaran.


The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon