Patrick, pwede bang Pedro muna yung pangalan mo dito sa confession ko? Di kasi ako makaamin ng maayos pag totoong pangalan mo eh.
At ako naman si Lita dito sa confession na to. BWAHAHA. Oh please! Ayoko nang maexpose ang kakapalan ng mukha ko lalo na ang totoong pangalan ko.
Simula nung araw na 'yon eh lagi na tayong tinutukso sa isa't isa. Ganun ka pa rin naman, hindi kikibo at ganun din ako. Ayokong maging defensive. Sabagay anu namang idedefend ko? Na gusto kita? Di ko naman yata kailangan pang idefend yon dahil wala nang makakapagpabago pa non. Gustong gusto pa rin kita Pedro.
Hindi ko alam kung paano nangyari, o kung paano nag-umpisa ang mga ganitong scenario. Siguro ako lang ang nakakatanda nito at marahil hindi mo yun napapansin. Madalas kasi tayong magkatapat sa pila, nagkakasabay pumasok at minsan eh nagkakatabi pa nga. Hindi ko maiwasang umasa kahit na wala nang natitirang pag-asa sa puso ko. Ang dami kong malay. Malay mo destined tayo. Malay mo soulmates tayo.
Ang hirap lang kasi nagkaroon ako ng 2% na pag-asa dahil sa medyo naniwala ako sa 'Malay mo..'.Natatandaan ko pa nung nadulas ako sa hagdan. At nasaktuhan pang kasabay kitang bumaba ng hagdan nung araw na yon. Tss. Pag nandyan ka talaga malapit saken ang daming nangyayari. It's either magiging abnormal yung heartbeat ko, di ako napapakali, nanginginig, at NAPAPAHAMAK.
Gusto ko nang umiyak sa hiya pero buti na lang tinulungan akong tumayo nung isang kaklase natin. At ikaw? Tinignan mo lang ako. Tinignan mo lang akong nakaupo sa hagdan habang nahihirapang tumayo.
Hindi ako galit. Pero masakit din yon para saken. Kasi napatunayan ko sa sarili kong wala ka pala talagang pakialam sakin kahit na mapahamak pa ko sa harapan mo. Masakit lang isipin na ganun lang pala yon. Na kahit anung gawin ko, isa pa rin pala akong nobody sa harapan mo.
Pinigilan ko ang sarili kong wag tumingin sayo nang araw na yon. Nadismaya talaga ko ng sobra pero tama lang naman yung ginawa mo.
Kasi kung tutulungan mo ko, magkakaroon nanaman ng pag-asa sa puso ko. Aasa nanaman ako. Kaya tama lang yun sakin, tama lang na sapakin ako ng katotohanang hinding hindi mo ako magugustuhan at mas lalong wala kang pakialam sakin.
Atleast naging malinaw naman ang lahat.
Salamat ha, Pedro? Kasi maaga pa lang, pinaramdam mo nang ayaw mo sakin. Salamat kasi hindi mo ko pinaasa katulad ng ibang lalakeng character na nababasa ko sa romance stories. Gusto ko lang ipaalam sayo na iba ka sa kanila, iba ka sa mga paasa. Ikaw yung tipong mahilig magbigay ng mga gustong iparating sa pamamagitan ng rude na pagkilos. Pero sorry, kasi yun yung isa sa dahilan kung bakit kita nagustuhan. At sana wag kang magalit kung aaminin kong gustong gusto pa rin kita kahit ilang beses mo pa akong balewalain. I like you so much Pedro! <3
#MartyrProblems
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
Teen FictionThe love that loves the longest is the love that is never returned.