Confession #21

44 6 0
                                    

It's November 9 and we planned na pumunta mamayang 10:30 AM sa Philippine Arena. Excited ako syempre, kasi libre yung pamasahe kaya hindi na ko gagastos. Namumulubi na kasi ako sa pera. Nahawa tuloy yung lovelife ko kaya namumulubi na rin.


Habang naghihintay eh kinalikot ko muna ang cellphone ko. Katext ko kasi si Christine at nakikibalita ako sa mga kaganapang nangyayari sa kanila. Ilalaban kasi sya sa feature writing kaya hindi namin sya makakasamang pumunta sa Arena. At syempre, matik na na habang katext ko sya eh nakikibalita ako sayo Peds. Kasama ka rin kasi dun sa mga ilalaban, kaya ayun. Alam mo na. Kahit naman mabroken heart pa ko sayo ng paulit ulit eh hindi pa rin ako masyadong naaapektuhan. Sadyang solid lang talaga ang pagsinta ko sayo.


Okay. Masyado nang korni. Nakakadiri na.


Nalaman ko na tinutukso tukso ka pa rin pala nila sakin kahit wala na ko sa paligid mo. You even shouted pa nga daw nung kumakain kayo. Sinabi mong hindi "tayo" sa kanila. Uy ha! Grabe ka Peds! Dinedeny mo pa ko sa kanila. Naging "tayo" kaya sa panaginip ko!


Hindi ko namalayang 10:30 na pala kaya nag-ayos na ko agad agad at dumeretso sa meeting place. Dumating na din yung dalawang kaibigan ko at pati na rin yung Ferrari na sasakyan namin. Charing! Malamang jeep lang ang sasakyan namin. Hindi naman kami mayayamang kiddo.


Puro tawanan lang sa jeep kasi pinagtatawanan namin yung kaklase naming sobrang kapal ng lipstick. Parang pinunasan ng floorwax yung labi eh. Kabogera talaga.


Habang umaandar ang sasakyan eh nagsasoundtrip lang kami. Senti mode, ika nga nila. Halos lahat na yata ng kantang ipeplay eh pagmumukha mo pa rin ang pumapasok sa utak ko. Parang lahat na yata ng love songs na napapakinggan ko ay para sayo.


Tindi mo talaga. Ang hilig mong mag-invade ng utak ng isang inosenteng batang tulad ko.


Nang makarating kami sa Arena eh sobrang daming tao kaya ang nangyari sa labas lang muna kami tumunganga ng mga kasama ko. May malaking screen naman kasi kaya malaya mong makikita ang mga kaganapan sa loob. Nakita ko pa nga si Nico Nicholas na kumakanta. And oh em gee! Ang hawt nya talaga.


Nagtext si Christine na papunta rin sila dito sa Arena at kasama ka rin daw Peds. Syempre nabagabag nanaman ang malandi kong kaluluwa at parang naexcite pa ko lalo dahil papunta ka rin dito. Dalawang magagandang tanawin ang makikita ko ngayong araw na to- una ay si Nico Nicholas at syempre ikaw yung pangalawa.


Pagdating nyo eh pumunta na rin kayo sa pwesto namin. Nagkekwentuhan pa nga kayo at bilang isang dakilang chismosa eh pasimple naman akong nakikinig sa inyo habang sinisigaw ko kung gaano kagwapo si Nico Nicholas.


Ayos lang naman ang takbo ng pinag-uusapan nyo. Wala namang kakaiba pero biglang lumaki ang eardrums ko nang marinig ko ang kwentong nakapagpatigil sakin sa pagsigaw.


"Ayeee! Si Pedro may bago nang inspirasyon!" tukso ng mga kasama mo sayo.


Maingay sa pwesto natin pero ang tanging naririnig ko lang ay ang pinag-uusapan nyo.


Ouch.

The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon