Monday morning. Ugh. Nasabi ko na bang ayoko ng Monday?Pagpasok ko eh wala namang nangyaring kakaiba. Wala naman akong napapansin sa kinikilos ng iba, wala namang mga pagbabagong naganap dahil tulad ng dati eh laganap pa rin ang kopyahan sa classroom natin.
Naririnig ko na ang tick tock ng orasan at alam ko sa puso ko..
...na malapit na magrecess.
Naririnig ko na ang tunog ng kaligayahan, ang tunog ng satisfaction, at ang tunog ng tagumpay.
Biglang tumunog ang bell at kaagad namang lumapad ang ngiti nating lahat. Alam ko, alam mo, at alam nating lahat na recess na at oras na para busugin ang mga tiyan nating may sawa sa loob.Naaamoy ko na ang tagumpay kaya tumayo na ko at ninamnam ang bawat sandali. Nakasalpak pa sa tenga ko ang earphone at ready na sana akong sumugod sa canteen kaya lang hinablot ito ng isa nating kaklase.
Boom bastos.
Automatic na napaangat ang tingin ko sa tampalasang nagtanggal ng earphone sa tenga ko. Nakarinig ako ng malakas na hiyawan at tilian. Lahat sila eh nakatingin sakin. Napalingon ako sayo at nakita kitang nag-iistrum ng gitara at kumakanta.
"Hoy hinaharana ka na ni Pedro wala ka pa ring pakialam!"
sigaw ng nagtanggal ng earphone ko.Bigla kang tumigil sa pagkanta at umiwas naman ako ng tingin. Here we go again.
Wala akong imik at wala rin akong pinakitang reaksyon sa lahat. Deretso lang akong lumabas na parang hindi interesado. Ayoko na. Ayoko nang umasa so as much as possible kelangan ko ng lagyan ng matibay na pader tong puso ko. Kelangan ko ng kumapit ng maigi kasi baka tuluyan na kong malaglag.
Kinabukasan naman eh late na ko pumasok. Good thing wala pa yung teacher natin. Nakadukmo lang ako at antok na antok dahil napuyat ako sayo. Pinuyat mo ko Pedro. Walangya ka! Bakit ka ba laging umeepal sa isip ko ah? Alam mo bang dahil sayo hindi ako nakakatulog ng tama sa oras?!
Alam mo bang dahil sayo kaya ako nagmumukhang zombie tuwing umaga?! Ha! Ikaw talaga ang dapat kong sisihin sa mga nagaganap sa buhay ko. Sa 16 years na pamumuhay ko sa mundo eh ngayon lang ako nakaexperience ng ganito.
Letseng to, inlove na yata ako sayo.
Naputol ang malalim na pag-iisip ko dahil bigla akong tinawag ng teacher natin. May pinapasagutan sya sa blackboard kaya pumunta na agad ako sa harap at sinagutan ito.
Nasagot ko naman agad kaya inasar asar nanaman ako ng mga kaklase natin. Kesyo inspired daw ako dahil sayo. Sinigaw sigaw pa nila ang "PedroLita".
Ngumiti lang ako at bumalik na sa upuan ko. Bigla ka namang sumigaw at nagtanung.
"Sino ba nagpauso nyan?" tanung mo na parang bahong baho ka sa tawag nila sating dalawa.
Sumagot naman ang kaibigan mo.
"Si Ma'am! May angal?!"
Wala naman talaga kong balak makinig sa usapan niyo kaya lang bigla kang nagsalita.
"dahil sayo nasira buhay ko!"
WTH.
Ouch.
Sobrang nanikip ang dibdib ko sa sinabi mo. Parang harapan mo akong sinasampal.
Parang pag ngumiti ako, mag-uunahan ng tumulo yung luha ko.Lumalala na talaga ang pagiging emosyonal ko. Pakiramdam ko tuloy eh sinapak ako ng katotohanang panira lang ako ng buhay mo. Sana sinabi mo na lang ng harapan, mas masakit kasi nung nagparinig ka pa. Anu bang tingin mo, na tuwang tuwa ako ha? Tsaka anu namang nasira sa buhay mo? May nasira ba sayo? May sinira ba ko?
Sobrang sakit, Pedro. Na ako pa pala ang dahilan ng pagkasira ng buhay mo.
Ang sakit mo namang magsalita.
Ang sakit malaman yun galing sayo. Galing sa taong gusto ko.
Naramdaman ko na lang na tumutulo ang luha ko habang tulalang nakaupo. Hindi ko na nagawa pang makinig sa discussion. Nakakuyom lang ang palad ko at pinipilit pigilan ang mga luha ko.
Ang sarap umuwi ng bahay at magtalukbong ng kumot. Ang sarap umiyak sa mga unan ko. Ang sarap sumigaw at maglabas ng sama ng loob.
Kung magagawa ko lang namang pigilan yung nararamdaman ko para sayo eh ginawa ko na. Kaso hindi eh. Hindi ko magawa. Parang na-stucked na ako sayo at wala na kong magagawa para umalis dun. Siguro nga natamaan na talaga ko ng letseng pana ni Kupido kaya ko nagkakaganito.
And I think..
I am also falling into your own trap.
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
Novela JuvenilThe love that loves the longest is the love that is never returned.