"Okay, packed up na tayo!"
Niligpit na namin ang mga gamit at inayos ang mga suot namin. Kakatapos lang kasi ng taping. Haays, nakakapagod talagang umupo maghapon at dumaldal.
Hindi na ko nagulat nang makita kita na prenteng prenteng nakahiga sa kama ni Pekto habang nakikipagtawanan sa mga kaibigan mo. Alam ko naman kasing may 8 tight packed abs ka rin kasi sa mukha kaya hindi na ko nagtataka.
Nang makaalis tayo sa bahay nila eh nag-umpisa kayong kumbinsihin ang bestfriend mo na ilibre kayo ng burger. Syempre nakisama rin kami ni Norilyn dahil hindi namin matatanggihan ang pagkain. Ito na kasi ang naging buhay namin dahil wala naman kaming lovelife--- ang kumain ng kumain.
"Uy! Sige na. Gutom na kami oh!"
"Nag-aalburoto na yung bulkan sa tyan namin!"
"Kahit burger lang oh!"
Mga pangungumbinsing naririnig ko sa mga kaklase nating gutom na rin.
"Sige na. Oo na."
pagpayag nito na ilibre kami na sya namang ikinatuwa ng lahat.Pagdating natin sa burger-an malapit sa bahay ni Joyce eh nag-umpisa na tayong magreserve ng sari-sariling burger habang nagluluto. Syempre sari-sariling pili dahil hindi naman lahat ng cheese na nilalagay eh pantay-pantay lang.
Umupo muna ko sa isang tabi at hinintay matanggal ang kumpulan sa pwesto ni Ateng na nagluluto. Sinabihan ko na kasi ito na sakin ang pang-apat na burger sa gawing kanan. Nakalinya kasi ito sa anim. At ang nasa kanan ay ang mga pang-anim na burger.
If you know what I'm trying to say. ;>Kinalikot ko muna ang celphone kong bulok habang naghihintay. Puro text lang naman ni Ammonia ang nababasa ko, kesyo gabi na raw at umuwi na raw ako samin. Sus. Ano bang pakialam nya? Iniwan nga nya ko eh. Tulad lang din sya ng iba, nang-iiwan sa ere. Sabihin na nating makitid ang utak ko pero hindi ako naniniwalang magulang nya ang rason nya.
Malakas ang paninindigan ko na hindi 'yon ang tunay na dahilan dahil huling-huli ko ang kakaibang paggalaw ng itim sa mata nya habang nagsasalita kahapon. Alam ko at alam nyang nagsisinungaling lang sya.
Nang mapansin kong tumatawag sya eh agad kong in-off ang celphone ko. Sigurado naman kasi akong sesermunan lang ako nyan ng "pag-uwi-ng-maaga101". Pangit raw kasi tignan sa isang babae ang gabi na laging umuuwi. Psh. Dinaig pa nya si Mama kung manermon eh at tinalbugan pa ang aso ko kung magbunganga. Best dramatista ever.
Nilapag ko ang celphone ko sa mesa at nangalumbaba. Nagulat na lang ako nang makita kita na nakapangalumbaba rin habang nakaupo sa mesang katapat ko.
Wow.
What a nice view.
Nakatingin ka lang sa ibaba na parang may malalim na iniisip. Ako naman eh nakatitig lang sayo at pinag-aaralan ang mukha mo. Bahala na kung alam mong tinititigan kita. Ikaw kasi eh, dyan ka pa pumwesto.
Alam mo namang malandi ako at makasalanan. Kaya pasensyahan na lang Pedring kung mas lalo pa kong mainlove sayo. Kasalanan mo naman eh.
"Hoy! Tama na titig! Kunin mo na yung iyo dun!"
Napatayo naman ako sa sobrang gulat at nakita ko si Norilyn na nakatayo sa harap ko habang pilit na pinipigilan ang pagtawa."AH! OO NGA PALA!" sabi ko habang tumatawa ng alanganin.
Hehehe.
Nakakahiya.
Woosh.Tumayo naman ako at pumunta kay Ate na nagluluto. Parang tanga lang akong nagkakamot ng ulo habang tinuturo yung akin.
Bigla ka namang sumulpot sa gilid ko at itinuro ang burger na nireserve ko kanina pa.
"Ate akin to ah."
pag-aangkin mo na sya namang ikinagulat ko."Ha? Eh akin yan eh?" sabat ko.
"Ako naunang magpareserve nito." sagot mo sakin.
"Ako nauna! Diba ate ako?" paninigurado ko pa habang kinukumbinsi si Ate na sabihin sayo na ako ang nauna.
"Oo na! Ito na lang akin." nanghihinayang mong tugon nang ituro mo ang ibang burger.
Pagkalagay nito sa plastic eh agad ko itong kinuha ng may malaking ngiti sa labi. Kitang kita ko ang panghihinayang sa mga mata mo kaya hindi ko mapigilang inggitin ka sa tahimik na paraan.
BWAHAHA!
Hindi ko naman alam kung bakit sa dinami rami ng nilulutong burger ni ate eh yung sakin pa nakalaan ang pinili mo-- yung "the burger in the sixth row fourth place" pa talaga.
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
Novela JuvenilThe love that loves the longest is the love that is never returned.