Ito po yung continuation ng Confession #5. Sorry po talaga kung nahiwalay! Yung author kasi e, ang gulo e XD HAHA! Sorry po talaga.
Tsaka, thanks po sa mga vote.- Editor
__________________
Nahilig ako sa panonood ng Barbie. Lahat na yata ng Movie na may kinalaman dyan eh kinarir ko. Ilang beses na rin akong pinagtatawanan kasi ang childish daw pag nanonood ng Barbie. Tapos yung magaling kong nanay ilang beses rin akong pinagalitan kasi nag-aaksaya daw ako ng kuryente para sa mga pambatang movies na yon. Sa isip isip ko nga, eh ano naman? Siguro nakahiligan ko na ring manood nyan kasi sa Fairytale may happy endings, tapos ang gagwapo pa ng mga prince charming nila kahit sabihin nating hindi yun makatotohanan. Naniwala ako sa fantasy at natakot akong harapin yung katotohanan. In short, pinagpantasyahan kita. Ang gwapo mo rin eh no?
Actually hindi ko alam kung anung klaseng espiritu ang sumanib sakin dati kasi nagpaniwala ako na may pag-asang magustuhan mo ako. Oo na, nag-assume ako dati kasi yun lang yung paraan para makatakas ako sa katotohanan ng hindi patas kong mundo.Pati pa nga mga love songs pinatulan ko. Halos palagi akong nakikinig ng mga kantang walang ibang gustong iparating kundi mahal nila yung isang tao. Pero hindi kita mahal ng mga panahong yan, crush lang kita at hanggang doon lang. PERIOD. NO ERASE. LOCKED.
Naalala ko pa nga yung first conversation natin sa cellphone. Yung mga panahong hindi pa uso yung mga android phone. Pero para sakin, super memorable yung araw na yon kahit 3210 lang yung cp ko dati. Feeling ko nga napakahalaga na ng cellphone ko kasi nagtext ka. Pa'no nga ba tayo nagkakuhanan ng cellphone nos.? Actually hindi ko rin alam. At ayokong ipaalam kasi ako ang gumawa ng first move. Ako yung kumuha ng #. Ako yung nagbigay ng # ko sayo. O diba multi-tasking! Kaya kong gawin lahat ng sabay basta para sayo.
Ha! Eew. Natatabunan na yata ng kacorny-han tong confession ko.Alam mo bang halos malaglag ang panga ko nung nabasa ko yung unang text mo? Ang meaningful nya, promise.
'Hi LeW!'
Text mo sakin. Ako naman tong si gaga nagkukumarat magreply na parang hindi uso sakin ang magpakipot muna ng mga panahong yon. Sarap kong ilublob sa putikan ng mga panahong yan. Tapos Jeje pa yung pagkakatext mo at dahil umiral yung kalandian ko eh nagJeje na rin ako para sayo. Mas ginandahan ko pa nga at mas dinamihan ko yung letters para ma-feel mong gustong gusto kitang katext at hindi ako mapapagod kakapindot.
'HeLlOo! AnHoEh GqAwA mO pOj?'
reply ko with matching ngisi. Infairness medyo nahihirapan ako magtype ah. Pero hahamakin ko ang lahat, makuha ka lamang.'EtO NaqHuHuqAs nq PlatO. IkAw bA? :-)'
reply mo ng may smiley pa sa dulo. Feeling ko tuloy sinuklian mo yung pagngisi ko sa personal.Napangiti ako ng malapad at hindi ko na dineny na parang isa kong serial killer sa itsura ko ngayon.
'EtO nAkAuPo! HehEhE!'
Text ko na parang may halong pagpapakyut pa.'AhH qAnUn bHuA? O sgE MqHuqAs mUna akO aHh? TeXt nAlAnq ktah mAyA.'
reply mo dahilan para mahati ng bongga ang puso ko.Pero syempre, hinayaan na lang kita. Pero naghintay ako ulit sa text mo pero hindi na ulit nangyari yon. Feeling ko tuloy umasa nanaman ako sa wala. Pero hindi ako titigil. May pag-asa pa. Tomorrow is another day. Pangchecheer up ko sa sarili kong lugmok. Lagapak.
Pagkatapos ng makasaysayang text natin eh hindi na nasundan ulit yon. Nakuntento na ko sa pagtingin tingin sayo na parang stalker.
Hanggang sa nagising ako sa fairytale na binuo ko.
Nagising ako sa istoryang ako ang bida.
Pakiramdam ko isa na kong extra sa sarili kong istorya.
Nabalitaan kong may nililigawan ka na daw. At nagkataon pa na kaklase natin yo'n.
Pero okay lang. Karapatan ng tao magmahal kung sino yung gusto nya. And there has nothing to do with it.
Pumasok ako sa school na parang tanga. Mukha akong pinagsakluban ng solar system. Puro yuko lang at umiiwas ng tingin para hindi ko kayo makitang dalawa. Successful nung una, pero hanggang una lang.
Napakatanga ko kasi. Ang inutil ko. Napakamangmang ko. Hindi ko kasi hinanda yung sarili ko sa pwedeng mangyari. Na pwedeng maging kayo kasi niligawan mo nga sya.
And from that point, tuluyan na nga kong nawalan ng pag-asa. Yung pakiramdam na parang inubos lahat ng lakas ko at walang itinira ni katiting. Yung parang tinanggal ni God ang planetang Earth at wala nang alam ang mga tao kung saan sila titira. Yung parang naputol yung hope na may pag-asa pa kong tumangkad kahit na one-inch lang. Pero isang salita lang ang makakadescribe ng nararamdaman ko, masakit.
Nilalamon na ko ng lungkot. Gusto lang kita diba? Puppy crush lang to diba? Diba? Sobrang dami kong tanung. Sobrang daming gumugulo sa isip ko to the point na hindi na ko nanood ng Barbie at hindi na ko naniniwalang happy endings do really exists. Wala na. Walang katotohanan lahat yon. Namuhay ako sa Fantasy kaya ito ang napala ko. Namuhay akong puro positive vibes ang nasa katawan kaya tama lang to sakin, ang masaktan at magising sa katotohanan.
Naisip ko nga eh, kung masasaktan lang din pala ko sana pala nagpasuntok na lang ako sayo. Tch.
And so I decided to move forward in my life. Without dreaming. Without fantasy. Without expecting happy ending.
Ayan, dahil nasaktan ako umistraight bigla yung pag-eenglish ko. Tsk.
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
Ficção AdolescenteThe love that loves the longest is the love that is never returned.