Lumipas ang mga araw, kasabay nito ang paglipas din ng pagpapapansin ko sayo. Wala din naman kasing nangyayari eh, tsaka naisip ko na nagmumukhang tanga na ko sa sobrang trying hard ko sa pagpapapansin sayo. Sira-ulo ka kasi eh. Elementary pa lang tayo nuknukan ka na ng kamanhidan. Kala mo naman ang gwapo mo. Tadyakan kita eh. At tsaka tinigil ko na din yung pagddrawing ko, nakakapagod eh.
Nakakapagod na talaga.
Napagod na din ako sa wakas.
GRADE 6.
Unti-unti nang lumalabas yung tunay na ugali mo. Letse lang, may pagka-manyak ka pala. May pagka-green minded ka rin at minsan pag nagkaklase tayo sa EPP or Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan, dun lumalabas yung tunay na kulay mo. Halos araw-araw tinuturuan tayo magtahi tsaka magsulsi, sabi mo MASARAP pag PINAPASOK at NILALABAS. Hayop ka ang manyak mo. San mo ba namana yan? Mabait naman magulang mo ah.
There were times na natatawa na lang ako sayo, at aaminin ko may slight improvement na tayo kasi kinakausap mo na ako minsan. Di na sya once in a blue moon, TWICE in a pink moon mo na ko kung kausapin. Grabe noh, feeling ko improvement na yung pagkausap mo sakin. Tindi rin pala ng tama ko sayo noon.
Minsan napapansin ko rin yung kakaibang pakiramdam ko pag nandyan ka, parang matatae ako sa tindi ng tensyon. May mga times na pakiramdam ko anytime madudulas ako sa sahig. Grabe ka talaga. Why are you giving me this kind of feeling? Ang unfair mo naman kung ako lang ang nakakaramdam ng ganito, sana naman ikaw rin diba? But I have no f*ck#n$ idea kung nakakaramdam ka din ba ng ganito. Feeling ko nga ako yung may problema eh. Feeling ko ako yung alien sating dalawa.
Naging magkagrupo na rin tayo ng mga panahong yan sa iba't ibang subjects. Halos araw araw din may groupings kaya araw-araw din kitang nakakausap at nakakasama. Mapapraktis man yan o group project.
Feeling ko tuloy buo palagi ang araw ko. Kung kelan kasi sumuko na ko sa pagpapapansin sayo, tsaka mo naman ako napansin. Ang lupit talaga ng tadhana. Pero masaya ako, masaya ako nang mga araw na yan.
Nakakaumay man yang ngiti mo, hindi ko man lang nagawang magsawa. Para ngang virus yan eh, nakakahawa. Makita pa lang kita napapangiti na ko. What more pa kaya sa tuwing kakausapin mo na ko?
Nakakabwisit lang kasi hindi ko alam kung anung tawag sa pakiramdam na to.
Hindi ko alam kung anong klaseng pakiramdam tong binibigay mo sa'kin, pero gusto ko ang nararamdaman ko. Masaya akong nararamdaman ko to.
Nung naka-graduate na tayo ng elementary, malamang bakasyon na. Hindi na kita nagawang alalahanin pa kase nagpakabusy na ko. Nahilig ako sa pagbabasa at pagsusulat ng mga anek-anek, feeling ko kasi yun lang yung tanging paraan para mawala na tong pesteng nararamdaman ko. Hindi ko sure kung nawala nga ba. Ewan ko kung nawala nga ba, o ako lang talaga tong assuming na nawala na nga ba talaga.
Bahala na.
Bahala na si Kokey
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
Teen FictionThe love that loves the longest is the love that is never returned.