Confession #37

36 5 0
                                    

Lumipas ang mga araw at eto, sembreak na rin sa wakas. Madalas lang kami magkita ng mga kaibigan ko pag may handaang pupuntahan at may galaan. Hindi naman kami nawawalan ng communication at madalas kaming magkakatext. Sila lang naman kasi ang palagi kong kausap, at nadagdagan pa magmula ng maging kaibigan namin ang fresh, at newly sisterette naming si Cath.


Naikwento rin samin ni Joyce minsan ang tungkol sa katext nyang si Alexander Caden. Hindi talaga ko makapaniwala sa balita nya samin ukol rito. At alam kong maging sya eh hindi rin makapaniwala sa nalaman nya. Nahanap nya kasi ang fb account ng guy na itechiwa at nagulat sya sa profile picture nito na hawig na hawig ang lalaking aroganteng nakabangga nya dati.


Hindi talaga namin ito lubos akalain. Dahil sa dinami-rami ng tao sa mundo, sobrang liit lang ng chances na magkita o magtagpo pa ulit kayo ng taong isang beses mo lang na-encounter. At sa kalagayan ni Joyce, that thing called "tadhana" talaga ang peg nila nung boylet na si Fafa Caden.


Hindi nga rin nya ito matanggap sa umpisa. Kasi galit na galit sya sa lalaking arogante na yun na si Caden lang pala na matagal nya ng kausap palagi sa phone. Hindi rin naman kasi alam nito na si Joyce pala na nakabangga nya dati ang callmate nya. Kaso nahulog na rin sya kay Papa Caden. Kaya ayan, no choice sya kundi karirin na lang ang nararamdaman nya.


Tungkol naman sayo Pedring eh wala na kong balita at wala na kong balak makibalita pa. Sinikap ko kasi na sa buong sembreak eh wag muna kitang isipin. And yes, I've tried but I failed. Sobrang na-miss ko kasi ang presensya mo sa bawat araw. Hinahanap-hanap ko yung lalaking palaging nakaupo sa pang-anim na row at pang-apat na upuan.


Tungkol naman kay Joselito eh wala na kong balita. Wala na kaming communication magmula nang umalis sya. Ni text, o tawag, wala talaga. Parang tuluyan na nya kong binalewala at kinalimutan. Pero inaamin ko, kahit palagi kaming nag-aaway eh namimiss ko pa rin sya kahit papa'no. Ayoko namang ako ang mauna magparamdam dahil may pride akong iniingatan. At kahit gustong-gusto ko na syang tawagan at kamustahin, wala akong magagawa.


The day before New Year, nagtext sakin ang kapatid ni Joselito. Kinakamusta ako nito at pinapapunta sa bahay nila. Hindi kasi nito alam ang papunta sa bahay namin. I just feel the urge na puntahan ang nakababatang kapatid nya dahil gusto ko ring makibalita kay Joselito. Hindi ko akalaing hahantong kami sa ganito, na parang stranger na lang kami sa isa't isa at kailangan ko pang makibalita sa kapatid nya para lang malaman ko ang kalagayan nya. Nakakalungkot lang.


Pagdating ko sa bahay nila eh sinalubong ako ni Geng, ang kapatid ni Joselito. Sinalubong nya ko ng isang matamis na ngiti pero parang may halong lungkot ang mga ngiting 'yon and I really don't know why dahil tulad din sya ng kuya nya na masikreto.


"Ate, pasok ka po." aya niya.


Pagpasok ko eh parang biglang bumigat ang dibdib ko. Natatandaan ko pa ang unang pagpunta ko sa bahay nila, napakasaya ng aura nito. Hindi tulad ngayon, parang kakaiba na ito at hindi na tulad ng dati.


Napatingin ako sa kusina at nakita ko ang Tita nila na nagluluto. Binati ko ito at sinuklian rin ako nito ng matamis na ngiti. Siguro nasa lahi na talaga nila ang may magagandang ngiti, hindi na nakakapagtaka.


"Auntie, si Ate Lita po, sya po yung friend ni Kuya." pagpapakilala sakin ni Geng sa Tita nya.

The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon