Hoy.
Hindi ko alam kung bakit ko naisipang isulat pa to. Wala naman na kasing magbabago sa katotohanang sa panahong binabasa mo to, kung saka sakali man lang na natripan mong basahin, eh mahal na mahal mo na siya. Alam ko huli na ang lahat, huling huli na ko. Pero sana naman basahin mo para ma-feel kong may pakialam ka naman kahit konti sa nakakabwisit na feelings ko.
GRADE 1.
Gusto ko lang ipaalala sayo na magkaklase tayo niyan. Kung naaalala mo pa. Hindi tayo close nun tsaka wala din naman akong pakialam kung magiging close tayo o hindi. Basta, wala lang. Magbestfriend yung mama natin at.. Wala lang, sinabi ko lang.
Simula pa lang, ayoko talaga sayo. Mukha ka kasing malnourished nun at parang puro buto lang ang nakikita ko sayo. Wala na yata talagang pag-asang tumaba ka, at mas lalong wala na ring pag-asa na magkakacrush pa ko sayo. Sobrang layo ng itsura mo sa napapanood kong prince charming sa Barbie. As in walang wala ka talaga. Talino lang ata meron ka.
Pero aaminin ko.
You caught my eye on our first meeting.
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
Ficção AdolescenteThe love that loves the longest is the love that is never returned.