Mas lalo pa akong nainspired mag-aral nang malaman kong hindi na kita crush, or should I say hindi lang basta paghanga ang nararamdaman ko. Napasok na rin ako sa Top, kaya naisip kong mapapansin mo na rin ako. Baka kasi pag matalino din ako mapapansin mo na rin ako.
Naging vocal na din ako sa nararamdaman ko. Halos ipagsigawan ko na nga sa buong klase na gusto kita. Na gustong gusto kita. At alam kong hindi ka manhid para maramdaman yon. Halos ipagsigawan ko na nga diba?
Oo, sabihin na nating nakakahiya sa part ko kasi babae ako. At alam kong marami nang nagsasabing ang landi ko naman daw. At alam kong ganun din ang iniisip mo sakin.
Siguro nagiging tanga lang talaga ang isang tao pag nagkakagusto o may minamahal. And unluckily, napasama ako sa mga tanga.Simula no'n eh hindi mo na ko pinansin. Walang explanation kung bakit. Biglaan kasi lahat. Binigla mo ako kaya hindi ako nakapaghanda.
Bigla na lang kasi akong naging hangin sa paningin mo. Bigla na lang akong naging nobody sayo. At ang mas masakit pa don, bigla na lang hindi mo napansin ang existence ko sa mundo.
Kumbaga sa nagmamaneho, nagdire-diretso ka at hindi man lang naisipang magpreno. Hindi mo pinansin yung kalagayan ng pasahero, kaya ang nangyari.. Naaksidente tayo at ang namatay lang eh ako. Ligtas ka kasi handa ka. At ako? Ayun, tuluyan nang namatay nang hindi man lang nabigyan ng hustisya. Nakadrugs kasi yung driver na PAYAT kaya nagbalak syang magpakamatay kaso bumaligtad ang mundo at ako ang namatay.
Tangina, kinumpara ko pa talaga.
Masakit. Sobra.
Sana hinampas mo na lang ako sa pader para physically injured lang ako. Hindi yung ganito, sinasapak sapak mo yung puso ko at ang nakakainis lang eh hindi man lang ako nakatanggap ng sorry sayo. Nagpabugbog lang ako hanggang magsawa ka.
SYET. Hugot.
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
Teen FictionThe love that loves the longest is the love that is never returned.