Confession #15

41 2 0
                                    

October 29, 2014.

Nagmeeting yung mga parents nun pero hindi naman pumunta yung mama ko. Inutusan akong bumili ng basahan at floorwax dahil maglilinis daw. Hindi kami pinalabas nung guard dahil wala naman daw approval nung teacher kaya tinawag ko yung adviser natin. Tinanung pa nga nya ko kung anung nangyari sa binigay nyang chocolate, sabi ko naman eh pinaghatian na namin ng mga kaibigan ko.

"Bakit di mo binigyan si Pedro?" tanung nito sakin.

Natawa lang ako sa tanung ni ma'am sakin. Wala naman kasing rason para bigyan kita eh. Mamaya isnabin mo lang ako o kaya hindi ka magsalita. Edi napahiya pa lahi ko nun.

Umakyat na ko sa taas at nagfloorwax. Ang sipag ko talaga. Alam mo yun, maganda na ko tapos masipag pa. Hahaha. Talking about imagination. Pagkatapos kong magfloorwax eh bumalik na ko sa room pero nakasalubong ko yung isang subject teacher natin. Tinawag nya ko kaya lumapit naman ako agad.

"Nagkita na ba kayo ni Pedro?"

Tumawa lang ako at umiling. "Hala sir."

Grabe nakakahiya talaga. Parang gusto ko nang ilubog sa lupa. As in now na.

Pagpunta ko sa room eh inaya ko lang yung mga kaibigan kong magrecess tapos dumeretso na ko dun sa auditorium kuno. Naabutan ko namang naggugroupfie kayo kasama yung ibang kaklase natin. Tumingin lang ako sa labas dahil bored na bored ako. Ayoko namang titigan ka dahil maraming makakahalata lalo na ngayong malapit tayo sa isa't isa. What a hopeless day. At lalo pa ngang naging hopeless nang tinawag ako ng classmate natin who asked me to take a picture with you.

Nagkatinginan lang tayo at nag-iwasan ng tingin. At isa lang ang ibig sabihin nun, ayaw mo at ayaw ko rin. Alam ko namang awkward ka talaga sakin dahil sa pang-aasar sating dalawa at ganun din naman ako. Kunyari na lang may sari-sarili tayong virus na tipong pag nagdikit tayo eh mas lalo pa yung lalala. Ganun na lang. Ganun na lang yung iisipin ko para hindi ganun kasakit. Para hindi ganun kasakit sa puso.

After in-announce yung Top 10, I rushed back in our room dahil ibibigay na raw yung mga cards. Since I won't be able to get it eh kinuha na lang ng mama ni Christine.

Tahimik naman ang mundo ko not until naghiyawan yung mga kaklase ko at sinisigaw na nandyan na daw yung mother-in-law ko. Me be like-- MOTHER-IN-LAW? May pinakasalan ba ko ng hindi ko alam?

My gaze shifted sa babaeng papasok na nakangiti.
Hindi ko alam kung tama ba ko pero nasa mid 40's na yata ang edad nito.

And then I realized that she's no other than your mother.

The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon