Natatandaan ko pa nung nagreporting tayo sa MAPEH. By group yon at tatlo lang ang members per group. Nung una eh tuwang tuwa ako kasi alphabetical. At isa lang ang ibig sabihin no'n-- kagrupo ko yung dalawang kaibigan ko kasi magkakasunod lang kami pag alphabetical.
Tinawag na yung mga pangalan pero nagulat ako dahil biglang naiba ang rules. May kasama nang lalaki sa grupo kaya iba rin pala ang makakasama ko.
Tinawag na ang surname ko at surname ni Janine na kasunod ko. Naramdaman kong kumabog ng malakas ang puso ko nang marinig ko ang pangalan mo. Syet lang, kagrupo pa talaga kita.
Hindi ko alam kung nananadya lang ba talaga ang tadhana at ikaw pa talaga. Eh ang layo layo ng "J" sa "C". Syet lang talaga.
Tumango ka lang na parang walang pakialam. Straight face ka pa din as in poker face lang, no signs of expression. Ako naman eh parang gaga na hindi mapakali sa upuan ko. Ilang beses kong sinampal ang pisngi ko para magising ako sa katotohanan na nakapagmove on na nga ko. Pero kahit anung pilit ko eh sinusulsulan pa rin ako ng puso ko. Paulit-ulit itong sumisigaw na ikaw pa rin daw.
Kulang na lang tadyakan ko ang sarili ko dahil sa mga pinag-iisip ko. Hindi naman dapat talaga ko magpanic kasi tatlo tayo. Tatlo tayong magkakagrupo. Tama. Dapat itatak ko yan sa makitid kong utak.
Buong klase eh tulala lang ako at nakatingin sayo. Ewan ko ba, you always look so damn cool kahit wala ka namang ginagawa. Pati pag-upo mo cool. Lahat na ata sayo cool. Hindi ka naman hot eh, cool ka lang.
Naiintindihan mo?
Kasi kung hot ka, marami nang magkakagusto sayo. Yung ibang babae kasi mahilig sa hot. Well, ibahin mo ko. Gusto kita kahit payat ka. Gusto kita kahit wala kang abs. Gusto ko lahat ng bagay na meron ka. Pangit man yan o maganda.Dismissal na at tinawag ko si Janine. Pinatanung ko sa kanya kung kanino at saang bahay kami gagawa ng report. Kailangan daw kasi eh creative ang report. Ang daming keme. Tsk.
Tumalikod na ko at nag-umpisang maglakad palabas. Tinawag naman ako ni Janine at sinabi ang details. Sa bahay mo daw gagawa sa sunday, 9 AM. Naks, tandang tanda ko pa.
Lumipas ang isang araw at Linggo na. Hindi ako excited. Hindi talaga. Kahit obvious na minadali ko pa yung confession para ikwento ko na yung nangyari nung Linggong yon. Pramis di talaga ko excited.
Since tinatamad akong pumunta eh alas 10 na ko umalis. Sa isip isip ko nga eh late na ko dahil maaga yata nagpunta si Janine.
Tinext ko pa nga sya kung nandyan na sya sa bahay nyo pero wala akong natanggap na reply. Siguro namumulubi rin yun sa load.
Umalis ako ng bahay na kabang kaba. Hindi sayo kundi sa aso mo. Baka kasi sakmalin ako eh. Pero seriously, kinakabahan ako kasi I have this feeling na wala pa si Janine sa inyo. Baka nakalimutan nyang gumising. Yari talaga sakin yon pag hindi sya sumipot!
Puro mura lang ang lumalabas sa bibig ko dahil everytime na chinicheck ko ang phone ko kung may text sya eh wala. As in zero. Walang ni isang message. Binaon na siguro ako nun sa limot. Alam naman nyang gusto kita este dati kitang gusto tapos pakakabahin nya lang ako ng ganito? Ha! Humanda sya saken! Itaga nya yan sa noo ko.
Papalapit na ko sa bahay nyo nang makareceive ako ng text galing kay Christine.
'Hindi na daw makakapunta si Janine kasi may pupuntahan daw sila ng family nya.'
Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko sa text na nabasa ko.
Like seriously?
WHAT.THE.HELL.Mabulol bulol ako habang iniisip ang pwedeng mangyari pag tayong dalawa na lang. Oy, wag kang feeling ah. I mean, baka kasi bumalik ulit ang pagkagusto ko sayo. Hindi yung ano! Hindi yun ha. Hindi kasama sa pantasya ko yung katawan mo noh. Baka kung anu nang iniisip mo dyan ha!
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
Ficção AdolescenteThe love that loves the longest is the love that is never returned.