"Anu ba kasing nangyari?"
"Wala ka bang balak magsalita?"
Baliw din ang isang to. Hindi ba obvious na nasaktan ako? Hindi pa ba obvious na tinarantado ako ng p*tang*nang manlolokong yon?
"Lita naman! Hindi ako manghuhula. Sabihin mo sakin, ano ba kasing nangyari?"
Pinunasan ni Cloud ang luha ko gamit ang kamay nya. Buti pa sya, palaging nandyan kahit ilang beses ko man syang awayin. Naalala ko tuloy si Joselito sa kanya. Siguro kung buhay pa yung gagong yun, baka sya lang din yung karamay ko ngayon. Pero atleast kahit nawala sya, nagreincarnate naman sya sa katawan ni Cloud. Maswerte pa rin talaga ako.
"Cloud.."
"Ano?"
"Tignan mo nga ko.. Sabihin mo sakin.. Mahirap ba kong m-mahalin? G-ginawa ko naman lahat.. G-ginawa k-ko para lang m-mahalin din nya ko k---k---"
"Sshhh.." pagtatahan nya sa'kin.
"At sino naman nagsabi sayong mahirap kang mahalin? Sa totoo lang Lita, I admire you so much. You're the most amazing woman I have ever met. Bakit? Kasi kahit ilang beses kong sabihin sayo na wag ka ng magpakatanga sa lalaking 'yon, hindi mo ko pinapakinggan. Kahit ilang beses ka na nyang saktan, hindi ka pa din nagbabago. You choose to ignore it because the only thing you know is, mahal mo sya. Mahal na mahal. Nagawa mo na yung best mo.. naipakita mo na sa kanya kung gaano mo sya kamahal.. It's either he take it or lose it.. Isipin mo na lang na nasa isang contest ka, alam mo sa sarili mo na naibuhos mo na lahat.. And it's up to the judge kung mananalo ka ba. Kung oo, edi maganda. Kung hindi, okay lang yan. You are not born to please people around you. It's either he choose you or lose you.. Hindi ka back-up plan and definitely not a second choice. Pinanganak ka para maging masaya.. hindi para maging alipin lang ng putang*n*ng pagmamahal mo sa Pedro na yan. Keep that in your mind."
Mas lalo akong humagulgol sa sinabi nya. Alam ko naman eh.. Alam ko hanggang dito na lang yun.. Suko na ko.. Ayoko na..
Niyakap nya ko at hinayaang umiyak sa dibdib nya. Bakit ganun? Bakit kailangang masaktan ulit ako? Bakit kailangang magkamali ulit ako ng desisyon?
Sariwang sariwa pa din sa utak ko ang mga nakita ko.
Kotse ni Pedro.
Kotse ni Pedro.
Tinignan ko ang singsing na nakasuot sa daliri ko.
Panahon na para isupalpal ko to sa pagmumukha nya.
Hinding hinding hindi ko sya mapapatawad.
Umalis ako sa pagkakayakap kay Cloud. At sa mga oras na yun, nabuo na ang isang desisyon sa utak ko.
Kinuha ko ang bag ko at hinanap ang celphone ko. I typed 'let's meet' at isinend ko 'to kay Pedro.
"Cloud.. Hindi naman siguro masama kung tatanggapin ko yung job offer from US? What do you think?"
Nakita kong nagbago ang ekspresyon ng mukha nya.
And a big smile formed in his face.
"That's good! Ikaw lang naman ang hinihintay ko eh! Sa wakas pumayag ka din!"
Ngiti lang ang naisagot ko sa kanya. Oo, pumapayag ako. Gusto ko nang makalimot. Gusto ko nang maging masaya.
Tumayo ako at hinatak si Cloud.
"Teka san tayo?"
"Basta magdrive ka at sasabihin ko sayo kung saan."
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
Подростковая литератураThe love that loves the longest is the love that is never returned.