Confession #26

43 4 0
                                    

The next day eh parang napapansin kong ang cold ng aura mo. Ni hindi ko nga napapansing nakikipagtawanan ka at nakikipag-usap.

Wala naman akong ideya kung bakit ka ganyan. Kahit gustong gusto ko ng tanungin ang kaklase nating ka-close mo eh hindi ko magawa dahil nahihiya ako.

Nagpasagot yung teacher natin ng seatwork sa aklat. Since hindi ko dala yung akin eh nakishare na lang ako sa ibang kaklase natin. Habang nagsasagot eh hindi namin maiwasang magkwentuhan at hindi tumagal eh nagshift ang topic tungkol sayo.

"Uyy.. Alam mo bang umiyak si Pedro kagabi?" balita ng isa nating kaklase na kaclose mo at kaclose ko rin pagdating sa mga chismis.

Napaangat ang ulo ko sa narinig ko pero mas pinili kong ipagpatuloy ang pagsusulat para hindi mahalatang nacucurious ako.

"Oh? Bakit naman daw?" tanung ko sa kanya habang nakayukong nagsusulat.

Hindi ko maiwasang isipin na baka yun yung dahilan kaya parang wala ka sa mood ngayon.

At ngayong nacucurious ako kung bakit, kailangan kong makasagap ng chismis para naman malaman ko ang pinuputok ng butsi mo. Ang hirap hirap mo kasing basahin. Ang hirap mong hulaan.. Ang hirap alamin ang takbo ng utak mo.

"Dahil sayo. Joke! Umiyak sya kasi tinutukso tukso kayo kagabi diba? Nagwalk-out pa nga sya eh. Umuwi na kasi kayo kagabi kaya hindi nyo nakita."

And that hits me.

Parang may sariling utak ang kamay ko at tumigil ito sa pagsusulat.
Hindi ko alam kung anung irereact ko..

Parang binagsakan ako ng sari-saring bato na iba-iba ang sukat nang marinig ko iyon..

Gulat, guilt, galit, lungkot at sakit. Hindi ko alam kung anu bang dapat maramdaman ko.. O kung anung pakiramdam ba ang dapat mangibabaw.

Alam kong wala akong kasalanan pero.. Hindi ko maiwasang isipin na dawit ang pangalan ko dun at kahit pagbali-baligtarin ang sitwasyon, feeling ko..

...feeling ko may kasalanan rin ako.

Halo-halong emosyon na kaya napagpasyahan ko na lang ipagpatuloy ang pagsasagot ko ng seatwork kahit lipad ang utak ko at hindi ko na alam ang pinagsusulat ko dahil sa nalaman ko. Minsan nga pangalan mo pa ang nasusulat ko sa notebook ko sa sobrang bangag ko nung araw na yon.
May parte sa puso kong nasasaktan at may parte ring naguguilty ako.

Nasasaktan ako kasi pakiramdam ko BULLY nang maitatawag pag tinukso ka nila sakin. Feeling ko may ebola virus ako at pag tinukso ka sakin eh mahahawa ka. Nasaktan lang ako sa pag-iyak mo kasi ang ibig sabihin lang no'n, ayaw mo na. Napipikon ka na. At parang mas lalo mo pang sinampal at ipinamukha mo saking hindi mo ko magugustuhan KAHIT KELAN.

Pero ayoko. Ayokong intindihin ang sarili kong damdamin nung malaman kong umiyak ka, kasi mas mahalaga yung nararamdaman mo. Kaya okay lang, okay lang sakin yun.
Naiintindihan kita. Siguro nga sensitive ka sa ganung bagay. Ayaw mo ng naililink ka sa taong hindi mo nagugustuhan.

Ayaw mong tinutukso tayo, kasi sinu nga ba naman ako? Kaklase mo lang naman ako. Isa lang naman akong kaklase mong may wide forehead at pagmumukhang pangit. Isa lang naman ako sa mga nobody - ng hindi mo alam na nag-eexists pala sa mundo. Kulang na nga lang magpakilala pa ko ulit sayo para malaman mong HOY NANDITO AKO OH. TANGINA MO NAMAN OH. MAKARAMDAM KA NAMAN OH.

At alam kong isang malaking kahihiyan para sayo ang maitukso ka nila sakin. Kasi kumpara sayo.. Walang wala ako. Hindi ako matalino at hindi rin ako maganda. Hindi tulad mo na may taglay na kagwapuhan kahit papa'no at higit sa lahat eh matalino at sikat. Kaya sinu nga ba ako para pangarapin pa ang isang taong dinaig pa ang mga ulap sa sobrang taas? Sinu nga ba ako para pangarapin ang taong mala-Luzon at Mindanao ang distansya namin sa isa't isa?

Minsan kailangan ko ring batukan ang sarili ko para magising sa katotohanan. Dapat ring dalas-dalasan ko na ang pagsapak sa sarili ko para magtanda na at tigilan ang kakaambisyon sayo. Mahirap na, baka mag-assume nanaman tong lintek na puso ko na magugustuhan mo rin balang araw kahit alam mo at alam kong malabo pa sa pag-pink ng uwak ang pag-asang magustuhan mo rin ako.

Pero Pedro..

I'm sorry.

I'm really really sorry kung umiyak ka ng araw na yon.

Alam kong umpisa pa lang ng confession ko, nagsosorry na ko sayo pero hanggang ngayon eh gusto ko pa ding humingi ng tawad.
Hindi ko akalaing aabot pa sa puntong kailangan mo pang umiyak para lang matigil ang pang-aasar sating dalawa. Sorry, ah? Wala kasi akong nagawa eh.
Sorry sa luhang nasayang para lang sa walang kwentang isyu na yon.

Sorry rin Pedro..
Kasi kahit wala ng salitang makakadescribe sa sakit na naramdaman ko nung araw na yon, mas lalo pa ring kitang minahal at patuloy pa ring mamahalin. Sorry...

The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon