'Oooohh.. Ako'y dyoooooosa.. Sabi mo noon ambisyooooosa..'
Anak ng pating na may pakpak!
Sinu namang gago ang tatawag ng ganito kaaga?!
Pikit mata kong kinapa ang cellphone ko sa ilalim ng unan at marahas na pinindot ang answer button at tinapat ito sa tenga ko.
Hindi ko na tinignan kung sino ang WALANGYANG WALANG MODONG TUMATAWAG DAHIL HANDA NA KONG PUMATAY.
HANDANG HANDA.
"JUSMIYO NAMAN OH! ALAS 4 PA LANG NG MADALING ARAW! ALAM MO BA YUNG TINATAWAG NA GOOD MANNERS AND RIGHT CONDUCT?! MERON BA NUN SA DICTIONARY MO?!"
"Ha-ha-ha! Sakit sa t'yan."
Aba ang gagong-- WTF.
Tinignan ko ang screen at nagulat ako dahil si Joselito Ferdinand Ammonia III lang pala ang tumatawag.
"Hoy! Ba't natahimik ka? Tapang tapang mo kanina ah!" mapang-asar na sabi nya.
"Kung hinahamon mo ko ng away, bukas na lang pag may energy na ko! Wag kang magyabang, dre." mahinang sagot ko dala na rin ng sobrang antok dahil alas onse na ng gabi ako nakauwi galing sa Arena.
"Wait, may chikka kasi ako eh." balita nya sakin.
As if I am interested. -___-
"Walang may pake. Matutulog na ko."
walang ganang sagot ko. Ibababa ko na sana ang phone ko kaso..
"Anu ka ba! Importante to. Kasi.. Aaaaah! Wait. Kinikilig ako."
Nag-inarte pa syang kinikilig sa hindi ko malamang dahilan. Oo nga pala, I forgot to tell na bisexual ang bestfriend ko. Hindi nya direktang sinabi sakin pero nahahalata ko kasi nagagwapuhan sya sa mga lalaki.
"Like eew, ha. Ang pangit mo kiligin. Ang sagwa. Sabihin mo na nga lang nang makatulog na ko." bored na bored kong sagot.
"Anu kasi eh.. Sinagot na ko nung nililigawan ko. Yung babaeng matagal ko ng kinekwento sayo.."
O______o
What?!
Tama ba yung narinig ko?
"Babae?! Ak..akala ko ba lalaki yung nililigawan mo?!" gulat na tanung ko sa kanya.
"Boba. Babae yun. Bingi ka talaga. Magtanggal ka kasi ng tutuli pag may time." naaasar na sabi nya.
O..M..G.
Ibig sabihin..
HINDI PALA TALAGA SYA BAKLA?
Ohmy.
Naramdaman ko na lang na nabitawan ko ang cellphone ko.
Akala ko..
Akala ko talaga..
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
Ficțiune adolescențiThe love that loves the longest is the love that is never returned.