Ginawa ko lahat para maalis ka sa sistema ko. Pero mukhang hindi na mangyayari yon kasi dumating yung araw na nararamdaman kong permanente ka na talaga do'n at wala na kong magagawang paraan para maalis ka pa sa puso kong luhaan.
Malapit nang magdismissal no'n pero imbes na matuwa tayong lahat eh punong puno ng tensyon ang room. Filipino ang subject natin no'n at kasalukuyang nagkakaroon ng reporting at graded recitation.
Kagrupo kita non at malamang eh ikaw ang leader namin. Sobrang seryoso mo that time at parang ikaw lang ang nag-iisip ng mga isasagot naming lahat sa tanong ng teacher.
Ilang beses ko bang pinaalala sa sarili ko na wag titingin sayo pag seryoso ka?
Delikado kasi eh. Nakakainlove. Baka tuluyan na kong mahulog.
Isa-isa mo kaming pinatawag ng palihim, yung tipong ingat na ingat yung mga galaw natin para hindi malaman ng teacher natin na tinuturuan mo kami.
Sa totoo lang, kinakabahan talaga ko ng sobra. Sobra sobra at icacapslock ko pa. SOBRA SOBRA SOBRA. Ayan nararamdaman mo na ba?
Hindi ako kinakabahan sa recitation o sa reporting. O sa kahit anumang dahilan kung bakit kayo kinakabahan ng mga panahong yan. Kinakabahan ako kasi baka pag tinawag mo ako mamaya at pinalapit eh bigla akong magbreak down. Baka mamatay ako sa sakit sa puso. Achuchuchu. Mas nakakatakot ka pa sa terror teacher natin. Isa ka talagang malaking salot, hadlang at traydor sa normal na pagtibok ng hearty heart ko.
Then finally it's my turn. Kinalbit ako ng groupmate natin kaya tumayo na kong parang nanginginig. Pati vocal chords ko nanginginig. Pambihirang yan!
Habang naglalakad ako papalapit sayo eh feeling ko papalapit na ko sa kamatayan.
Hindi ka tumitingin saken at seryoso ka lang na nakikinig sa nagrereport sa harapan. Umupo agad ako sa tabi mo. Sobrang lamig ng kamay ko no'n at kinakabahan talaga ko ng sobra. Phew.
Nang mapansin mong nakaupo na ko sa tabi mo eh lumingon ka na sakin. Sobrang seryoso ng tingin mo na kahit ang mga langaw na lumilipad eh handang makinig sa sasabihin mo.
"Lew.."
Ilang beses akong napalunok ng sabihin mo ang pangalan ko. Parang sa lahat ng bumabanggit ng pangalan ko eh sayo ang pinakaespesyal. Marinig ko pa lang yung pangalan ko galing sayo eh heaven na.
Nagsalita ka lang ng nagsalita pero seryosong seryoso pa rin ang mga tingin mo. Siguro nagiging makasalanan na rin ako kasi habang nagsasalita ka eh hindi ako nakikinig. Tinitignan ko lang yung pagmumukha mo na parang isa ito sa napakaperpektong nilikha ng diyos. Sobrang gwapo mo sa paningin ko at kulang na lang eh maglaway ako sa harapan mo. Juicecolored.
Tama lang naman ang itsura mo. Normal lang ang figure ng mukha mo.
Ano bang nangyayari saken at gwapong gwapo ako sayo?Napahawak ako sa dibdib ko at nararamdaman kong sobrang bilis na ng tibok nito na akala mo eh nakikipagkarerahan. Umiwas ako ng tingin at yumuko. Tumigil ka sa pagsasalita kaya tumango na lang ako, para kunwari eh pinakinggan kita kahit ang totoo eh hindi naman talaga.
Kinukurot kurot ko yung palad ko habang nag-iisip isip. Hindi ako umalis sa tabi mo kasi nakikiramdam ako. Pinapakiramdaman ko kung normal na "crush" lang ba talaga ang nararamdaman ko. Admiration pa ba to? Bakit nagiging kakaiba na yata? Bakit parang hindi na?
And that questions strike me the most.
I'll just think...
I fell out of crush for you.
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
Teen FictionThe love that loves the longest is the love that is never returned.