Confession #30

47 4 0
                                    

"BUHOS PA ULAAN!" malakas na
sigaw ko pagtapak ko sa labas ng bahay.

"Yung payong mo naiwan mooo!"

Hinabol naman ako ni mama at inabot sakin ang polkadats kong payong. Kabwisit. Magdadala nanaman ako ng payong! Minsan talaga wala sa timing yang pag-ulan. Sarap sapakin eh.

5:30 pa lang ng umaga eh gumora na ko papuntang school. Napakadilim ng langit at halos bilang lang sa daliri ko ang mga nakakasabay ko maglakad. Actually, ngayon lang ako pumasok ng sobrang aga at aaminin kong sinadya ko ito. Natatakot kasi ako dahil baka makasabay nanaman kita pag sinunod ko ang sarili kong oras.

Malapit na ko sa school nang bigla kitang matanaw. Oo, madali kitang natatanaw dahil nagiging matang-lawin ako pag nandyan ka.

And yeah, here we go again. Here I am dealing with my heart to stop beating so fast.
Pasaway ka, little organ.

Hindi ko maiwasang titigan ka habang papalapit na tayo sa isa't-isa. Mukha kang inaantok, pagod ang mata at namumula ang ilong. How can you be so damn handsome kahit mukha ka ng stressed out? I must be insane.

Maaga na nga ko pumasok tapos nakasabay pa kita. Pigilan mo ko, malapit na kong maniwalang pinagtatagpo talaga tayo ng tadhana. Malapit na kong maniwalang soulmates talaga tayo.

You just throw me a bored look habang papalapit tayong dalawa sa gate. Binilisan ko ang paglakad kaya nauna akong pumasok. Hindi na kita nagawang lingunin pa dahil busy akong patahimikin ang nagwawala kong puso.

Pag-akyat sa room eh konti pa lang ang kaklase natin dun. Ang iba ay nagkekwentuhan pa at ang iba naman ay naglilinis sa baba.
Umupo ako't nilagay ang bag ko sa mesa at natulog. Sayang talaga, dapat paalis pa lang ako ngayon ng bahay eh. Hindi ko naman kasi alam na maaga ka rin pala papasok ngayon.

Maya-maya lang eh dumating na ang teacher natin. Inangat ko ang ulo ko at sumandal sa upuan. Tahimik na rin ang lahat.

Pinagsulat lang tayo ng lecture at maya-maya lang eh tinawag ako ng maganda nating teacher.

"Anu po yun?" tanung ko.

"Bilhan mo ko ng tissue, kahit yung tigsasampu lang." seryosong utos nito.

Tumango naman ako bilang pagpayag. Hindi ko rin naman alam kung bakit ko kailangang bumili ng tissue at kung para saan yon. Basta, sinunod ko lang si ma'am.

Pagbalik ko sa upuan ko eh may inabot saking tissue yung isang kaklase ko. Sabi nya eh yun na lang daw ang iabot ko kay ma'am. Ako naman tong si engot ay sumunod at dinala ko ito sa teacher namin na kasalukuyan noong nasa tapat mo.

"Ma'am eto po." sabi ko sabay abot ng tissue pero hindi nya ito inabot.

"Ibigay mo yan kay Pedro, sinisipon eh."

O______O

WUT?!

Literal na napanganga ako sa narinig ko. Sayo? Sayo ko lang pala ibibigay? Ay. Jusmiyo santisimo benedicto!

Napalingon ako sa gawi mo at inabot sayo ang tissue pero hindi mo ito kinuha. Nagmukha akong tangang nakatayo sa harapan mo habang inaabot sayo ang tissue. Nagtilian naman ang mga kaklase natin, pero ako, hindi ko magawang matuwa sa ginagawa ko dahil hiyang-hiya ako. Hiyang hiya ako para sa sarili ko.

Hindi mo pa rin ito inabot kaya nilapag ko na lang ito sa mesa mo. Kung alam mo lang, kung alam mo lang Pedro na halos imurder na kita sa utak ko habang nakatayo ako sa harapan mo. Nakakahiya. Sobrang nakakahiya kasi nagmukha akong tanga.

Nakayuko akong naglakad pabalik sa upuan ko. Lagi namang ganito eh. Pag nasasaktan ako, nagagalit, yumuyuko na lang ako. Siguro ayoko lang makita ng iba kung gaano ako nasaktan sa inasal mo.

The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon