Confession #48

41 3 0
                                    


Maraming tumatakbo sa isip ko. Ni hindi ko na rin nagawa pang matulog ng tama sa oras. At kasalanan to lahat ni Pedro.




Bakit nya pa sinabi yun? Why all of a sudden eh bigla nya na lang akong binigyan ng ganitong klaseng atensyon?
Gusto nya rin ba ako? O ginagawa nya lang to para makalimutan nya agad si Fin?




Hindi ko naman hinihingi na mahalin din nya ko. Ang gusto ko lang naman, marealize nya na hindi lang sya ang nakakaranas ng mabibigat na problema. Ang gusto ko lang naman eh itigil nya ang katangahan nya sa isang babae.






"Nakatulala ka nanaman."





Napalingon ako sa nagsalita.






"Bakit ka nanaman nandito Cloud? Epal ka."






"Tigilan mo na kasi yung katangahan mo. Hindi lang sya ang lalake sa mundo."
sabi nito matapos nyang umupo sa mesa ko.





"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo. Lumayas ka nga dyan.  Nagttrabaho ako."
pabiro kong sabi.





Cloud is one of my closest friend dito sa opisina. Katabi ko ang area nya at dahil do'n eh naging close kami sa isa't-isa. Alam na alam nya rin ang katangahan ko kay Pedro. Wala na ata akong maitatago sa kanyang lihim dahil sa sobrang pakialamero nya.






"Alam mo.. feeling ko inlove na ko."







Napatingin ako sa pagmumukha nya at hindi ko maiwasang matawa.





"Bakit ka tumatawa?! May nakakatawa ba?!"
naiinis na tanong nito.






"Ang pangit mo kasi."





Matapos kong sabihin 'yon eh bigla kong naalala si Pedro. Ganun din yung eksaktong linya ko sa kanya noong---

The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon