Confession #18

49 5 0
                                    

Natapos ang klase at parang wala pa rin ako sa sarili ko. Gustong-gusto ko na kasing mag-uwian para naman mailabas ko na ang sama ng loob ko, gustong gusto kong umiyak at magmukmok mag-isa. Ganito lang naman ako pag nasasaktan, iiyak lang tapos mawawala na lahat. Okay na ko ulit. Kaso parang ang hirap mag get over sa sinabi mo. Parang ang hirap kasi ilang taon ko nang dinadala tong pagkagusto ko at pagmamahal ko sayo tapos biglang ganun.

Bigla ka na lang nagsabi ng ganun.

Please naman, pwede pag sasaktan mo na ko magpaalam ka naman? Para ready naman ako. Para hindi na ko mabibigla.

Last subject na noon at malapit nang mag-time nang biglang bumagsak ang ulan.
Makulimlim ang ulap at parang nakikiramay pa sa nararamdaman ko. Parang gusto rin ako nitong iyakan dahil sa pagiging pathetic ko. It's rude thinking na pati langit eh kinaaawaan ako. Wag naman sana.

Bakit ganun, Peds? Bakit kelangan ikaw pa yung mahalin ko? Ang dami dami namang isda sa dagat oh. Bakit starfish pa yung napili ko?
Bakit kelangang ako pa yung masaktan? Napakaganda ko naman para mabroken-heart ng ganito kaaga noh.

(A/N: Ang "Peds" po ay short for "Pedro".)

Nang mag-dismissal na eh dali dali na kong umuwi kasama ang mga kaibigan ko. Bumagsak na ng malakas ang ulan at tamang tama nga naman ang timing nito dahil isa lang samin ang may dalang payong. Buhay estudyante nga naman.

Gustong-gusto na naming makauwi ng maaga dahil antok na antok na kaming lahat. Tanghali na kasi ang uwian namin kaya gutom at antok ang kalaban.

Naglalakad na kami when suddenly someone bumped on Joyce. Muntik na syang matumba pero nahawakan naman sya agad nung nakabangga sa kanya. Laking tao kasi nung nakabangga eh.

"Sorry miss! Sa susunod kasi 'wag kang haharang harang sa daan." plain at cold na sabi ng lalaking nakabangga sa kanya.

Nagulat si Joyce sa inasal ng lalaki. Pero bago pa sya makapagreact eh wala na ang lalaki sa harapan nya.

"YUNG SIRA-ULONG YUN! AKO DAW? HARANG SA DAAN?!"
nanggagalaiting sabi ni Joyce at parang handa nang manakit anytime.

Tawa lang kami ng tawa at inasar-asar pa namin sya. Huminto na rin kasi ang ulan pero umaambon pa din. Eh wala naman kaming payong kaya panyo lang ang nilagay namin sa ulo.

Nang makauwi ako eh kumain na ako at nagbihis ng damit. Nakakabwisit nga kasi hindi pa rin tumigil ang ulan. Napaka-moody talaga ng panahon, parang ako lang.

Pero nakakalungkot ang ulan, noh? Para kasing kalungkutan ang emosyon ng bawat tubig na pumapatak. Kaya ang daming nagse-senti pag umuulan eh. At isa na ko dun.

Nanonood ako ng TV ng makarinig ako ng tahulan ng aso. Naglakad ako palabas ng bahay at nakita ko ang bestfriend kong epal na mukha nang buto sa sobrang kapayatan. Pinapasok ko sya pero hindi pa rin maalis ang tingin ko rito. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may mali.

"Hoy!" panimulang bati nya habang pinopoke ang mukha ko.

"Hoy ka rin." sagot ko naman.

Sya nga pala, nakalimutan kong ikwento na may bestfriend pala kong mukhang virus. Sa sobrang dalang nya kasing dumalaw eh muntik ko na syang makalimutan.

[drumrolls]
Sya nga pala si Joselito Ferdinand Ammonia III. Ang nag-iisang epal sa buhay ko. Ang pinaka-nakakabwisit na nilalang na ngayon nyo pa lang makikilala.

"Oh? Kamusta na ang pagpapantasya sa Pedro loves mo? Hahahaha!" tanung nya sakin habang nanunuod kami ng TV na sinundan pa nya ng malakas na pagtawa.

Tong hinayupak na to! May gana pang mang-asar. Hindi nya kasi alam ang nangyari at ayokong sabihin kasi baka tawanan nya lang ako.

"Ano? Broken-hearted again?" dugtong pa nya.

Sa totoo lang eh kumukulo na ang dugo ko. Anu naman ngayon kung broken hearted ako? Eh palagi naman eh. Anu pa bang bago?

"Oh ba't di ka makasagot? Kasi totoo?"

This time eh napatingin na talaga ko sa kanya gamit ang nagliliyab kong mga mata. Syet! Ang kapal ng mukha nya. Hindi nya kasi alam ang pinagdadaanan ko ngayon kaya kung makapagsalita sya walang preno.

Tumingin din sya sakin kaya nagsukatan kami ng tingin. Hindi ko alam pero galit ako. Galit na galit ako kasi pinapamukha nya saking wasted ako.

Sa huli eh umiwas ako ng tingin pero hindi ko akalaing may pumatak na luha sa mata ko. Naninikip ang dibdib ko at parang may gustong kumawala rito.

Isang patak na nasundan pa ng pangalawang pagpatak. Hanggang sa dumami ang patak at tuloy-tuloy na ang pag-agos ng luha.

Kasalanan to ni Ammonia eh! Pinaiyak ako!

Lumakas ang pag-iyak ko at natagpuan ko na lang ang sarili kong kayakap sya habang umiiyak sa dibdib nya.

Walang nagsasalita at walang nagtatangkang magsalita saming dalawa.
Alam nyang kailangan ko ng maiiyakan ngayon at sobrang bait ng diyos dahil binigyan nya ko ng maiiyakang Ammonia na kahit nakakabwisit eh palagi naman akong dinadamayan.

.... At kasabay ng malakas na ulan ay ang tuloy-tuloy na pag-iyak ko na tanging kaming dalawa lang ang nakakaalam.

The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon