Hoy Pedro, alam mo bang isa ka sa mga inspirasyon ko? Malamang hindi mo pa alam dati pero ngayon eh aaminin ko na tutal confession ko naman to. Pagkatapos nitong confession ko eh sisiguraduhin kong hindi na magtatagpo ang landas natin dahil baka sapakin mo ko o ilublob sa tubig pag nabasa mo lahat ng kabalbalan ko dito sa wattpad. More on panglalait to eh, pero pagbigyan mo na ko! Winasak mo naman puso ko kaya wag ka na mag-inaso! -__-
Charot.Ganun pa rin ang nangyari. Asaran dito. Asaran there. Tuksuhan everywhere. Tapos palagi pa nilang sinasabi yung mabahong combined name natin na "Pedrolita". Yuckiness talaga! Hindi ko tuloy alam kung anu yung iniisip mo, kung nahihiya ka na ba, naiilang ka na ba, nandidiri ka ba o sadyang wala ka bang pakialam.
Wala ka kasi laging imik pag inaasar tayo eh.
Nang i-announce yung nasa Top 10 eh nagulat ako dahil napasama pa ko. Binigyan pa nga ko ng almonds ng teacher natin but shocked pa rin ako sa mga kaganapan sa mundo. Nagtilian yung mga kaklase natin at inasar-asar tayo na kesyo inspirasyon daw kita at keme. Pero inaamin ko, medyo totoo yung sinasabi nila. Oo Pedro, isa ka sa mga nagsisilbing inspirasyon ko sa lahat ng ginagawa ko. At ngayon palang eh nagpapasalamat na ko ng marami sayo dahil pinaranas mo sakin ang pagiging Top.
Puro pang-aasar, panunukso ang natanggap ko nang araw na yon. Pero Pedro, alam mo bang sa kabila lahat nun eh hinihilig ko pa rin na sana dumako naman yung tingin mo saken? Masyado na kong naguguluhan sa nararamdaman ko. At kelangan ko ng malaman kung anung tawag dito. Kelangan ko ng malaman ng maaga para makaiwas ako, para maligtas ko naman yung puso ko mula sa pagkahulog kung magkataon man.
Natapos ang klase at tumambay muna kami sa computer shop kasama ang mga kaibigan ko.
"Nakakatawa si Pedro! Pulang pula nung inaasar kayo!" pang-aasar ni Joyce na sinundan pa nya ng malakas na pagtawa.
"Si Lita nga rin eh! Ang lapad ng ngiti!" duktong ni Christine na tawa lang ng tawa.
Huminga ako ng malalim at nag-isip isip. Pano kaya kung umamin na ko sayo sa graduation?
Tinanung ko ang mga kaibigan ko at sabi nila, I must take the consequences kahit nakakahiya. Pero sa totoo lang, hindi ako nahihiyang umamin. Natatakot lang akong mareject. Alam ko namang hindi mo masusuklian yung nararamdaman ko eh. And there has nothing to do with it. Pero anung magagawa ko, kailangan ko ring ilabas yung damdamin ko? Baka mapuno na to at sumabog. Overwhelming na kasi ang nararamdaman ko.Gusto ko lang ipaalam sayo na hindi ko ito isinulat para magpaawa sayo o kaawaan ang sarili ko. Sinulat ko to kasi gusto kong ilabas ang lahat before I can move on to the next chapter of my life. At sana. Sana lang wag mong husgahan ito.
Pasensya na kung nagustuhan kita.
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
Novela JuvenilThe love that loves the longest is the love that is never returned.