Confession#12

62 4 0
                                    

Pansin ko lang, nung naging crush kita, nagmove-on ako. Tapos nung nagustuhan naman kita, nagmove-on din ako. Ilang taon na nga ba akong nasa moving-on stage sayo? Wala namang nangyayari eh, puro lang ako dada tapos ganun pa rin naman. Parang nasa isang cycle lang ako at wala na kong magagawang paraan para makalayas do'n.

4th year high school.

Nakakaexcite nung pasukan kasi last year na natin sa school, at isa lang ang ibig sabihin no'n--pagkatapos nito eh hindi na kita makikita at makakalimutan ko na rin ang pagka-inlike ko sayo. MWAHAHAHA!

Pero akala ko lang pala. Akala ko ilang buwan at ilang tulog na lang eh makakahinga na ko ng maluwag.

Nag-umpisa lahat ng panibagong katangahan ko noong distribution ng ID.

Tinignan ng adviser natin yung mga ID's tapos nakita nyang nasa harap ang ID ko. Nakakahiya noon kasi sa dinami dami ng ID na pwedeng mapunta sa harap eh yung akin pa talaga. Grabe yung noo ko dun, ah.

Tapos tinignan din nya yung nasa likod.. At nagkataon pang sayong ID yung nasa likod.

Hindi naman big deal yon para sakin. Pero para sa iba, biggest deal yon. Syempre, dun ata nauso yung asaran nila satin na soulmate daw tayo kuno.

Mga tinging makahulugan.

Devil smirks.

At kung anu anu pang klaseng smirks ang natanggap ko pero hindi ka nagsasalita, tahimik ka lang. Ako naman eh tumataray lang dahil ayokong magsalita kahit deep inside my internal organs eh nagpaparty-party na ang puso ko at ang mga hayop sa tyan ko.

Mahirap na, baka isipin nila defensive ako.

Nagulat ako ng bigla kang magsalita. Wala namang kinalaman yun sa asaran nila satin pero ginawa mo lang talaga siguro yon para ipakita mong WALA KANG PAKIALAM.

"YIEEE CHANGE TOPIC! Bwahahaha!"
sigawan ng mga kaklase natin.

Hindi ka nagsalita pero ramdam kong ayaw mong inaasar-asar tayo. Wag kang mag-alala, the feeling is mutual.

Nag-umpisa na rin silang gawan tayo ng mabahong combined name. Mukhang tanga talaga yung combined natin, ang pangit, ang sagwa at hindi bagay.

Parang tayong dalawa lang pag pinagsama. Ang pangit, ang sagwa at hindi bagay.

Hindi ko gustong asar-asarin tayo. Hindi porket gusto kita eh tuwang tuwa na ko sa ganun. Natatakot kasi ako, natatakot ako na baka habang inaasar tayo at tumatawa sila eh tuluyan na kong bumitiw sa prinsipyong "gusto lang" kita. Nakakatakot kasi baka tuluyan na kong mahulong sa patibong ng one sided love.
At natatakot ako na baka pag hulog na hulog na ko, bigla ka na lang maiilang sakin at hindi mamamansin.

Sorry, sorry talaga.
Inuulit ko, hindi ko gustong asar-asarin tayo. Kung may magagawa nga lang ako eh ginawa ko na. Kung nandito lang sana si Doraemon at may time machine sya eh papatulan ko talaga para maayos lang yung mga magulong bagay na nangyari na. Alam kong marami pa kong ikekwento sa confession na to. Mga asaran. Mga tuksuhan. At mga tawanan. Pero Patrick, sorry talaga. Sorry nung first day at inasar tayo. Sorry kasi naging makasalanan yung mata ko at tinignan kita. Sorry kasi I know there's something more. Sorry kasi ang lakas ng tibok ng puso ko noong tignan kita nung araw na yon. Sorry kasi there's 99% chances na mahulog na ko sayo ng tuluyan.

The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon