Confession #36

49 6 0
                                    

"SI LITA MAGPEPRAY!"


"OO! SI LITA NA LANG!"


Anak ng tatlumpu't pitong puting tupa!


"LITA DUN KA SA HARAPAN!"


Physics na ang subject noon at student teacher ka. Eto namang mga kaklase natin, ako pa ang kinukumbinsing magpray sa harapan. Nako! Kung alam lang nila na gustong-gusto ko ng magmove-on dahil may 100% possibility na magustuhan mo si Fin. Kaya ito, as much as possible eh kailangan ko ng magdahan-dahan sa mga nararamdaman ko dahil baka pag dumating ang araw na gusto mo na si Fin eh mas lalo lang akong masaktan. Kailangan ko ng iprepare ang sarili ko sa mga pwedeng mangyari. Ayoko ng magpadala sa bugso ng damdamin.


Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Hinayaan ko na lang na mapanis ang mga laway nila kakahintay sakin na pumunta sa harapan. Kaya sa huli, iba na lang ang nagpray.


"Sino pwedeng magsulat?" tanung mo sa aming lahat.


Tahimik naman akong bumulong kay Ace.


"Tsk. Hindi ba sya marunong magsulat at kailangan pa nya ng tagasulat?" bitter kong tanung.


"SI LITA! SI LITA NA LANG MAGSUSULAT!"


Here we go again. Pa'no naman kaya ko makakapagmove forward sa buhay ko kung palaging ganito ang mga kaganapan sa room? -______-

Ge.


Napanganga na lang ako ng makita kitang ngumiti. Ewan ko sayo Pedro! Tanggalan kita ng ngipin dyan eh. Ngingiti-ngiti ka pa, tangna mo. Pano ako makakamove-on sayo kung nakukuha mo pang ngumiti ng ganyan? Letse ka.

Pero hindi. Hindi na ko pwedeng magpaakit muli sa ngiti mo. Delikado eh. Delikado yung puso ko.


Nagpasolve ka lang ng kung ano-ano pero hindi naman ako nakikinig. Paminsan minsan lang ako nakikinig pag napapansin kong mahirap na ang tinuturo mo. Pero all in all, hindi talaga at ayokong makinig sayo. Expect mo na yun. Mismong feelings ko nga hindi mo marinig eh. Kaya wag ka na ring umasang pakikinggan ko ang mga pinagsasabi mo dyan. Asa ka pa.


Nang matapos ang discussion mo eh nagbigay ka ng problem about sa topic na tinuro mo. First five lang ang kailangan para sa recitation kaya nagtatatakbo ako papunta sa harapan. Narinig ko naman ang hiyawan ng mga kaklase natin matapos mo itong matatakan.


Pagbalik ko sa upuan eh tinignan ni Ace ang notebook ko at nagtaka sya dahil wala raw akong solution. Sinabi ko naman na nakalagay ito sa kabilang page.

Bigla na lang itong sumigaw at itinaas ang notebook ko na hawak nya.


"PEDRO! WALANG SOLUTION TO OH!"


Tumingin ka sa gawi namin at nagsalita. "Nasa kabila." tipid at walang reaksyon mong sagot.


"I told you." nakangiting pagmamalaki ko kay Ace.


Nagulat naman ako ng pagpapaluin nila ko at paulit-ulit sinabing..

The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon