(AUTHOR'S NOTE: Listen to the song entitled "Photograph" by Ed Sheeran while reading this update. Enjoy reading! Lol.
_____
(PRESENT)
"Di ka talaga pupunta?"
"Hindi."
"Bitter!"
Sabihin nang bitter ako't lahat lahat. Eh wala namang kaso kung pupunta ako dun o hindi. Jusmee. Tsaka hindi naman nya malalaman kung absent ako sa wedding nila dahil marami namang invited. Maliban na lang kung sasadyain nyang hanapin ako. Psh. As if.
Nag-hang up na ko dahil sigurado namang kukulitin lang nila kong pumunta dun. Eh ayoko nga. Ayoko kasi masakit. Masakit sa mata at mas lalong masakit sa puso.
Bukas na ang kasal nila at eto ako, nagpapakasubsob sa trabaho. Kung yung iba nagbebeauty rest para maganda sila bukas, ibahin nyo ko. Kasi ako walang pakialam.
I've tried my best na wag umiyak. Pero sa tuwing maaalala kong bukas na ang kasal nila, kusa na lang tumutulo ang lintek na luha ko. Naisip ko tuloy, kahit palagi ka palang magpakabusy para matakpan yung matinding lungkot sa puso mo, walang mangyayari kasi at the end of the day, iiyak at iiyak ka pa rin at for sure wala ng remedy para matigil ang pag-iyak mo.
I wiped my tears as it began flowing.
Buti na lang natatakpan ng buhok ko ang mukha ko, kundi pagtitinginan na ko ng mga tao at ang mga katrabaho kong nasa ibang area.Lunchbreak na no'n at nagpasya akong umuwi na lang tutal bangag naman ako at hindi ako makakapagtrabaho ng maayos dahil sa kalagayan ko. Halos ang dami ko na ring narereceive na text asking me kung ayos lang daw ba 'ko.
MALAMANG HINDI. Kelangan pa bang itanung yun?
NYETA.Pag-uwi ko eh dire-diretso lang ako sa pagpasok sa kwarto ko. Para namang may sariling utak ang kamay ko at kusa na lang itong kumuha ng blangkong papel at ballpen. It took me several seconds as I began writing what's on my mind.
'Hi.'
So 'Hi' lang pala ang kaya kong isulat?
WTF.'I really don't know how will I start this letter. Baka kasi itapon mo lang to pag masyadong corny, o kaya baka punitin mo lang kasi wala namang kakwenta kwenta tong sasabihin ko.
'I know wala ng patutunguhan kung sasabihin ko pa to. Ikakasal ka na eh. Malapit ka ng matali sa babaeng mahal mo. Pero gusto ko lang malaman mong mahal kita. Hindi lang mahal, mahal na mahal pa. Mahal kita higit pa sa kaklase, higit pa sa kaibigan, at higit pa sa inaakala mo. Hanggang ngayon, hindi ako magsasawang sabihin yun sayo dahil sobrang kapal na ng mukha ko at immuned na ko sa pambabalewala mo sakin at pagreject mo sakin noon.
'sabi ko nga dati sa sarili ko, hindi ka gwapo kaya makakalimutan din kita. Tsaka akala ko dati, normal na puppy love lang to at mawawala rin pag tumagal na. Pero mukhang nagkamali ata ako. Kasi kahit nung college na tayo, wala ng ibang pumalit sayo sa pwesto mo dito sa p*ta*ngn*ng puso ko. Wala ng pumalit sayo bilang special-- special child sa mga mata ko. Gago ka talaga. Ganu ba kalakas yang appeal mo para magpakatanga ako sayo ng ganito?
Umabot pa ng ilang taon. Lahat ng attempts kong makalimutan ka eh hindi nagtatagumpay. Hiyang hiya naman ako.'hindi ko namamalayang lumilipas na pala ang mga taon. Parehas na tayong successful sa mga career natin. Marami na ring nagbago. Naging kayo na ni Fin samantalang ako eh naka-glue pa rin sayo. I feel so bad dahil hindi ako nakaadapt sa mga pagbabago. Ayan tuloy, mukha pa rin akong tanga up until now.
'Nung nagpropose ka kay Fin, gulat na gulat ako. Hindi ko kasi alam na sa edad na 26 eh gusto mo na palang magsettle down kasama ang taong mahal mo. Tsaka masakit din, kung alam mo lang. Kung nararamdaman mo lang kung gaano kabigat ang nararamdaman ko during that time. Para akong sinapak, binugbog, tinadyakan, hinampas sa pader, pinakain sa leon, dinurog at binaon sa lupa. Ni hindi man lang ako nakalaban, ni pumalag hindi ko nagawa kasi nabiktima lang ako ng panggugulat mo.
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
Ficção AdolescenteThe love that loves the longest is the love that is never returned.