Confession #47

51 3 0
                                    

Natigilan silang lahat at nakita ko ang pag-awang ng bibig nila.


Anu pa nga bang ineexpect ko? Ayun ang rason kung bakit ako bangag ngayon. Hindi ko alam kung maniniwala ba ko sa sinasabi ni Pedro.. Baka kasi trip lang nya 'yon, Tulad ng paghalik nya sakin noong gabing 'yon. Baka trip lang ang lahat at ako lang talaga ang tangang nagbibigay ng malalim na kahulugan sa ginawa at sinabi nya.


May narinig akong ring ng celfone kaya bigla akong napabalikwas.


"O-oh.. m-mukhang may tumatawag sayo." Sabi ni Nori na windang pa din.


Kinapa ko ang celfone sa tabi ko at agad na sinagot ang tawag without looking at the caller.


"Yes hello?"


"Lita."



Teka. Kaboses ni....



"S-sino to?"





"Si Pedro to."




BOOM. POSITIVE. SI PEDRO NGA.



"A-ano.. Hehe.. I-ikaw pala.. B-bakit ka n-napatawag?" Nabubulol kong sabi.


Tangina. Nyeta. Hard.



"Nakaabala ba ko? Pasensya na.. Gusto ko lang sanang kamustahin yung lagay mo.."




TINATANONG MO BA PEDRO KUNG ANONG LAGAY KO? ARE YOU SERIOUSLY ASKING ME THAT QUESTION? I'M OKAY. I SWEAR OKAY LANG AKO KAHIT BUONG GABI MONG ININVADE ANG UTAK KO. KAHIT SOBRANG LAKAS NG TIBOK NG PUSO KO NGAYON NANG DAHIL SAYO. YES. I'M OKAY. I'M REALLY REALLY OKAY.



"Medyo masama pakiramdam. Alam mo na, naulanan."



Narinig ko ang paghinga niya sa kabilang linya. Myghaad. Bakit ang sexy pakinggan? Lol



"Kasalanan ko to eh. Sorry talaga. "



"N-no. Don't blame yourself."



Oo. Wala kang kasalanan Pedro. Magsorry ka kasi hinayaan mo akong mainlove sayo ng todo. Magsorry ka sa sinabi mo kagabi at sabihin mo na joke lang lahat ng yon nang hindi ako nahihirapan ng ganito.

The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon