Confession #23

40 4 0
                                    

Halos hindi ako makatulog sa narinig ko. Ilang taon ko ring inakalang bakla sya tapos bigla na lang nyang sasabihing sinagot sya ng BABAENG nililigawan nya. So all this time mali pala ang akala ko? Ang engot ko talaga.


Bigla ring pumasok sa utak ko na baka yun yung dahilan kaya hindi na sya tumatambay sa bahay, kasi busy sya dun sa panliligaw nya. At ngayong may girlfriend na sya, mas dadalang na ang pagdalaw nya sakin dahil dun nya na ibubuhos ang oras nya.


Nalungkot ako sa fact na 'yon.

Pa'no pala pag kailangan ko sya?

Pa'no na lang pag nabroken-heart ulit ako sayo Peds?

Wala nang epal na makikinig sa mga drama ko sa buhay.


Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis sa girlfriend nya. Nagagalit ako sa kanya dahil mapapasakanya na ang lahat ng oras ng chemical na yun! Panu naman ako?

Mas kailangan ko si Ammonia sa buhay ko!


Hindi ba pwedeng makipag-break na lang sya dun? O kaya gumawa ako ng paraan para magbreak sila? Alin sa dalawa?


|:>


I smirked at that thought.


Natigil ang pagpaplano ko ng kagaguhan nang marinig ko ang tunog ng alarm clock kaya bumangon na ko agad then the usual routine. Nagparade lang kaya boring ang araw namin. Hindi pa ako umuwi agad dahil magrereview pa kami sa spelling pero since wala naman yung teacher eh nagbalak na lang kaming umuwi ng mga kaibigan ko. Bigla ko namang naalala na kailangan ko na palang kunin yung reviewer sayo Peds. Hindi ko alam kung tama ba ang naisip kong pumunta na lang sa bahay mo at kunin yung reviewer dahil mukhang wala ka namang balak ibigay sakin yon. Pero, nakakahiya kasi eh.


Sinabi ko sa mga kasama ko ang balak ko at pinilit naman nila kong pumunta sa bahay nyo. Habang naglalakad kami papunta sa inyo eh paulit-ulit akong sumisigaw kung tama ba ang gagawin ko. Lahat na yata ng madaanan naming estudyante eh tinatanungan ko kung tama ba ang gagawin ko. Mukhang tanga lang noh?


Nang makarating kami malapit sa bahay nyo eh nagpapraktis pa ko ng sasabihin ko sayo. Feeling ko tuloy isa akong lalaking torpe na nahihiyang magpropose sa babae. Pero kabaligtaran naman sa nagaganap ngayon dahil babae ako.


Pakiramdam ko naman eh wala sa normal na ayos ang bunganga ko kaya ilang beses kong in-align ito sa pamamagitan ng kamay ko. Tawa naman ng tawa sila Xtine, Norilyn at Joyce at pati ako eh natatawa na rin sa sarili ko.


Sa huli eh napilitan akong lumapit sa bahay nyo at isigaw ang surname mo. At ang bobo ko talaga dahil Kuya mo ang lumabas. Narealize ko na lang na magkakaapelyido pala kayong lahat.


Boom tanga.


"Si Pedro po?" tanung ko.


Lumabas ka naman at hindi nakaligtas sa paningin ko ang suot mong sando at shorts. Bakat nga yung ribs mo eh. At mas lalong bakat naman yung abs mo sa mukha.


"Yung reviewer?" pa-bebe'ng tanung ko.


Bigla ka namang ngumiti sakin.

"Ayy! Oo nga pala!" sabi mo habang nagkakamot ng ulo.


Damn! Bakit.. bakit ang cute mong tignan?


Naramdaman ko nanaman ang mga boltahe ng kuryenteng dumaloy sakin nung una kitang makita. Parehong-pareho sa kuryenteng dumaloy sakin nung ngumiti ka at nagkamot ng ulo.


Bumuntong hininga na lang ako habang naglakad ka papasok sa bahay nyo habang ako naman eh nagdidisappearing act sa labas nyo. Si Joyce na lang ang pinakuha ko ng reviewer dahil anytime eh pwede na kong mag-hyperventilate sa harap mo at maubusan ng boses. Mahirap nang makita mo akong nagkakaganun nang dahil lang sa presensya mo kundi hihilingin ko na talagang lamunin ako ng lupa.


Pagkakuha naman nya eh umuwi na kami lahat na tawa lang ng tawa.

The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon