Confession #32

37 4 0
                                    

Kung lalagyan ko siguro ng title ang confession na to, papamagatan ko itong "Meeting his Ex-Girlfriend".

Oo, tama ang nababasa mo ngayon.

Noong araw na yon ay ang laban namin sa spelling at masakit mang aminin pero na-disqualified kami. Hinintay na lang namin matapos ang iba sa kanya kanya nilang laban, natagalan nga lang kasi isang grupo lang daw yung judges kaya kain lang kami ng kain ni Ace habang naghihintay.

Hindi nakaligtas sa mga matalas kong mata ang magandang babaeng tahimik na nakaupo sa hagdan na parang may hinihintay.

And I knew who she is. Hindi lang ako sure kasi baka nagkakamali ako.

Agad ko namang kinalabit si Ace na katabi ko lang na kumakain.

"Uy dai, diba si R-rosa y-yun?" turo ko sa magandang babaeng nakaupo sa hagdan.

Tinignan nya ito maigi at walang alinlangang tumango.
"Oo, bakit?"

Ngumiti ako at binalik ang tingin kay Rosa. Di naman nagtagal eh napatingin sya sa pwesto namin at tumayo. Ngumiti naman sya at kinawayan kami.

At isa lang ang masasabi ko..
Ang ganda nya talaga.

No wonder sya ang minahal mo.

Kinawayan ko rin sya at kusa naman syang lumapit sa pwesto namin. At habang papalapit sya, hindi namin maiwasan ni Ace na mag-usap tungkol sa kanya.

"Ang ganda nya talaga, noh?" nakangiti kong sabi.

"Oo nga eh, ang simple-simple nyang tignan, pero look.. Ang ganda pa rin." puri nya kay Rosa.

Paglapit nito eh hindi ko magawang ialis ang tingin ko rito. Gustong-gusto ko itong tanungin kung paano nya naachieve ang kagandahan nya, at kung paano ba mapapaibig ang isang "Pedro".

"Kamusta na?" nakangiting tanung nito samin.

"Eto, ayos lang." sagot ko naman habang nakatitig pa din sa kanya.

Nagkwentuhan lang naman kami habang naghihintay. At hindi ko rin maiwasang icompare ang sarili ko sa kanya. Mga ganitong klase ng ganda ang gusto ng isang Pedro. At kung titignan, walang wala ako kumpara rito. Sa katawan pa lang, buhok, mukha, at poise. Walang-wala na ko. Anu nga ba namang maipagmamalaki ko?

Yung buhok ni Rosa, itim na itim at maayos tignan. Yung buhok ko naman? Okay, change topic na tayo.
Matangkad sya at pandak naman ako. Payat sya at medyo chubby naman ako. May poise syang maglakad at ako naman eh bara-bara lang. Magaganda ang ngiti nya. Perpekto ang ngipin at walang makikitang bagang pag ngumiti sya. Kabaligtaran naman sakin na pangit ngumiti at mas bagay ang palaging nakasimangot.
Mukha syang anghel at ako naman eh mukhang demonyita na parang palaging may masamang binabalak.
Mahinahon ang boses nya, at ang boses ko naman eh parang ratatat.

Marunong syang mag-ayos ng sarili at ako naman eh walang alam sa fashion. Halos lahat nga ng T-shirt ko eh malalaki kaya mukha akong rapper, dagdag mo pa na maliit lang ako kaya mukhang gago ako kung titignan. Wala ako sa katinuan kung makipag-usap samantalang sya eh matino kausap.

So now tell me, pa'no ako magiging katulad nya?
Paano ba maging isang "Rosa"?

Kung haharapin ang katotohanan, kahit anung gawin ko wala ng mababago sa turingan namin ngayon. Nakakalungkot lang kasi hulog na hulog na ko at lupa lang ang tanging nakasalo sakin. Nakakalungkot lang kasi pinatulan ko ang laro ng tadhana ngayong pwede naman kitang kalimutan na lang at magbagong buhay. Ang unfair kasi ng tadhana eh, hinahayaan tayong magmahal sa maling tao. Paano kaya kung ibang tao yung nagustuhan ko? Magiging masaya kaya ko o masasaktan lang din ako?

"Huy! Lipad nanaman utak nito!" saway sakin ni Ace na nakapagpatigil sakin sa pag-iisip.

Tumawa lang si Rosa at maya-maya lang eh nagpaalam na rin sya samin dahil nandyan na raw yung hinihiintay nya.

Tumango lang ako pero hindi pa rin maalis sa isip ko kung ano kayang posibleng mangyari kung nag-iba ang ihip ng tadhana at hindi ikaw ang minahal ko.

The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon