"Sila na ba?"
Love is full of surprises. Minsan hindi mo namamalayan na yung mahal mo, may mahal na palang iba.
"Malay ko ba. Pero parang may meaning yung mga ngitian nila eh! Kitang-kita ko 'yun eh!"
Isang nakakabwisit na araw. Isang nakakabwisit at nakakaimbiyernang umaga. Isang nakakainis na chismis. Iisang usapan na kanina pa umaalingawngaw sa buong classroom.
Tapos na ang sembreak natin at back to school na. Akala ko magiging maganda at maaliwalas ang buong araw ko dahil muli ko nanamang masisilayan ang pagmumukha mo sa buong maghapon, pero akala ko lang pala 'yon.
Tignan mo nga naman!
Hindi talaga ko galit. Promise. Hindi talaga ko nanggagalaiti at nagmamaktol sa selos. Promise. PROMISE GUSTO KO NG PUMATAY NG INOSENTENG LANGGAM.
"Lita, may chika ako sayo mamaya." rinig kong bulong ni Joyce na katabi ko lang.
"Tungkol saan?" May bahid ng lungkot na pagkakatanung ko rito.
Humarap sya sakin at pinakitaan ako ng isang malungkot na ngiti.
"Tungkol k-kay Pedro at F-fin.."
Hindi na ko nagsalita at nagpatuloy na lang ako sa pakikinig. Gusto kong mag-emo at gusto kong umiyak kasi hindi ako manhid. Gusto kong gawin 'yon pero hindi ko magawa dahil wala pa kong basis. Alam ko, narinig ko, at hindi ako nagbingi-bingihan sa mga usapan sa classroom. At sa bawat salitang binibitiwan nila, parang unti-unting sinasaksak nito ang puso ko. Pero dahil ayokong magpaapekto, mas pinili ko na lang takpan ang tenga ko. Kunyari na lang wala akong narinig. Kunyari na lang hindi ako nasasaktan.
Nang mag-uwian na eh dali-dali kaming lumabas ng mga kaibigan ko sa classroom. Malakas ang ulan at sinasamahan pa ito ng kulog. Hindi na ko nagtataka kung bakit, palagi namang epal ang ulan tuwing nalulungkot ako. Palagi naman akong kinaaawaan ng langit kaya ineexpect ko ng uulan ng malakas ngayon. At alam ko, kung gaano kalakas ang ulan, ay ganun din kalakas ang iiiyak ko maya-maya lang.
Nakaupo kami noon sa sahig ng stage, paborito naming tambayan tuwing magchichismisan.
Hinahanda ko na ang sarili ko sa mga malalaman ko nang oras na 'yon, hinahanda ko na rin ang mga luhang tutulo na kanina ko pa iniipon sa kaloob-looban at kasulok-sulukan ng mata ko. Alam ko, anytime, tutulo ito nang walang abiso.
"Spill." nakangiting sabi ko na parang interesado sa maririnig ko.
"May narinig ako kanina eh, umamin na si.." Huminga ng malalim si Joyce at dire-diretsong dinugtungan ang sinasabi nya na syang dire-diretso ring nakapagpadurog ng puso ko.
"..Si Pedro.. umaming mahal nya si Fin.."
SHOOT.
Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig ko. Wala nang sabi sabi, kusa na lang tumulo ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
Ficção AdolescenteThe love that loves the longest is the love that is never returned.