"Ayy! Grabe ang init."
"Itapat mo nga sakin yang electric fan."
"I #3 mo Lita!"
At yan lang naman ang mga reklamong naririnig ko mula nang dumating ang may makapal na mukhang si Joselito.
Linggo ng umaga. Umagang kay ganda. The sun shones brightly. His face shones brightly too with matching 8 tight packed abs kaya mas lalong kumapal.
"Mainit pala eh! Oh edi dapat umuwi ka sa bahay nyo. Hindi yung inuutos-utusan mo ko sa sarili kong pamamahay." tugon ko sa pagrereklamo nya.
Hindi sya sumagot sa sinabi ko. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Ako, naha-highblood dahil marami pa kong kailangang labhan at hindi ko naituloy dahil dumating sya. Sya, hindi ko alam. Hindi ko alam kung anung issues nya sa buhay. At ayoko nang alamin kung anu man yon at baka sumakit lang ang bangs ko.
Tatlong minuto. Tatlong minuto na ang nakalilipas pero wala pa rin itong imik.
Napipi nanaman ba sya dahil sa kagandahan ko? Oh well, di ko sya masisisi.
Dahil sa hindi ko talent ang mag-entertain ng pipi, umusod ako sa tabi nya at kinurot sya sa braso.
"AAAH! ARAAY! ANO BA!! HUY! BIT--BITAW NGA!"
daing nya sakin.Napatigil naman agad ako sa pagkurot. Hindi dahil sa naaawa ako sa kanya, kundi may nakita akong dugo sa kuko ko at sa balat nya.
Huminga sya ng malalim at hinawakan ang kaliwang braso nya, sa parteng kinurot ko na noon ay kasalukuyang nagdudugo.
"S-sorry. Sorry di ko sinasadya! Akala ko kasi mahina lang yung kurot ko!" pagdadahilan ko sa kanya habang nakikihawak rin ako sa payat na kaliwang braso nya.
"Ayos lang. Bitaw na nga." mahinahong sabi nito sakin habang pilit na inaalis ang kamay ko sa pagkakahawak.
Pero mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak dahil sa nakita ko.
"T-teka, uy! Anu to? Bakit ang dami mong bruise sa braso? Oh pati sa kanan meron din!" nag-aalalang tanung ko rito habang tinuturo ko ang mga gasgas sa braso nya.
Hinatak nya naman palayo ang kamay ko at umiwas ng tingin.
"W-wala. Wala to. Kinagat lang yata ng insekto o baka tumama lang sa kung saan." pagdadahilan nito.
Binigyan ko sya ng hindi makapaniwalang tingin.
"Insekto? Mga lamok, ganun? Ipis? HA-HA-HA-HA! Bakit, sa ilalim ka na ba ng tulay nakatira? Tsaka pag kinagat ka ba ng lamok, magkakaroon ka ng gasgas? Wag mo nga kong gawing tanga!" natatawang tanung ko sa kanya dahil hindi ko magawang paniwalain ang sarili ko sa dahilan nyang insekto raw ang kumagat rito.
"Ewan ko sayo! Bwisit to!"
"Hay nako! Sumamba pa kasi si mother dear eh, marunong pa naman yun tumingin ng mga sugat sugat." sagot ko rito.
Nanlalaking mata syang tumingin sakin na parang ang ideya ko ang pinakawalang kwenta sa lahat ng narinig nya.
"Uy! Wag! Wag mong sasabihin sa mama mo. Okay lang ako noh. Simpleng gasgas lang to. Don't you worry!" assurance nito habang pilit na nakangiti.
Kahit gusto kong malaman kung saan galing ang mga gasgas nya eh napilitan na lang akong tumango at magkibit-balikat.
"Okay. Sabi mo eh."
sagot ko.Tumingin ako sa kanya at hindi ko maiwasang magtanong dahil sa mga napapansin ko sa kanya magmula ng dumating sya rito.
"Uy, teka.."
Tinignan ko ang buong katawan nya. At isa lang ang masasabi ko, malaki ang pinagbago nito kumpara sa dati nyang anyo.
"Bakit parang nangayayat ka? Hindi ka kumakaen?" nagtatakang tanung ko out of curiousity.
"Ha? Hindi ah, siguro sa puyat lang. Gumagawa na kasi kami ng thesis.." pagdadahilan nito sakin.
"Nakakapayat ba ang pagpupuyat? Gagawin ko nga araw-araw." balewalang sagot ko.
Tumingin lang sya sakin na parang nag-aalinlangan. Ewan ko ba, malakas ang pakiramdam ko na may dalang masamang balita ang gagong to. Nafefeel ko ang dala nyang negative energy sa pamamahay ko.
"Didiretsuhin na kita Lita--"
"Aba dapat lang na diretsuhin mo na ko dahil nag-iintay na ang mga labahin ko."
"So yun nga, gusto ko sanang---"
"GUSTO MONG MAGING TAYO?!"
"Ano ba, patapusin mo muna ko--"
"TAPOS GUSTO MONG PAGHINTAYIN AKO KASI TATAPUSIN MO MUNA YUNG RELASYON NYO NUNG GIRLFRIEND MO?!!"
"ANO BA! BALIW KANG ASSUMING KA! PWEDE BA, SABI KO PATAPUSIN MO MUNA KO! SIRA ULO!"
Okay. Patapusin pala eh. Di kasi nililinaw.
"Sige. Spill!"
Huminga nanaman sya ng malalim at alam kong konti na lang eh puro hininga na nya ang malalanghap ko kakaganyan nya.
"Uuwi ako. Uuwi na ko sa Laguna."
And with that word, I felt a stab in my heart.
Uuwi na pala sya. Ha-ha-ha. Ngayon lang ako nainform. Ang saya naman. Nakakatawa.
"Uuwi ka na? Bakit?" mahinang tanung ko sa kanya habang nakayuko pa din.
"Kasi namimiss ko na yung magulang ko. Alam mo namang dun sila nakatira diba. And besides, ang hirap ng sitwasyon namin kasi kailangan pa nila kong padalhan ng pera panggastos ko dito."
mahabang paliwanag nito sakin.Inangat ko ang ulo ko at hinarap sya. Kitang kita kong nagsisinungaling lang sya sa mga pinagsasabi nya dahil ikot ng ikot ang itim ng mata nito. Hindi yon ang tunay na dahilan. Hindi yun tungkol sa gastos. At kung anu man yung tunay na dahilan eh hindi ko rin alam.
"Eh paano yung kapatid mo? Isasama mo rin?"
"Hindi. Dito lang yun. Si Tita na magbabantay dun."
"Eh pa'no yung girlfriend mo? Sa tingin mo ba hindi ka mamimiss no'n? Aba, mahirap kaya ang LDR. Mamaya makahanap ng iba yun."
"Oh edi humanap sya. Sa gwapo kong to! Ha! Di sya kawalan." pagmamayabang nito sakin, pero kahit ganun, hindi ko pa rin makuhang ngumiti.
"Eh paano naman ako?"
Alam kong nagulat sya sa tanung ko pero wala na kong balak pang bawiin 'yon.
"Ha?! Ah.. eh.. Tatawag naman ako. Magtetext ako. May communication naman tayo. Tsaka anu ka ba, sa Laguna lang naman ako pupunta."
Inangat ko ang ulo ko at ngumiti ng pilit.
"Okay. Edi maganda! Ayos yun! Matatahimik na rin ang buhay ko. Kakaexcite naman! Kelan ba alis mo?"
Iniwas lang nya ulit ang tingin nya at sumagot.
"Bukas. Bukas na."
And that made my mouth shut.
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
Fiksi RemajaThe love that loves the longest is the love that is never returned.