Nagkaroon din tayo ng project na gagawa ng parol. Kagroup rin kita no'n at sa bahay nyo gagawa. Syempre ang lola nyo tuwang tuwa kasi makakasama nanaman kita. Wahaha.
Pag-uwi ko galing school eh dumeretso na kami sa bahay nyo. Eksayted much ako no'n pero hindi ko pinapahalata. Syempre minsan uso naman saken magpademure noh.
Haayst. Akala ko talaga magiging masaya ang araw ko. Pero hindi pa pala.
Nagkwentuhan yung mga kaklase naten sa labas ng bahay nyo tapos narinig ko bigla yung pangalan mo. Syempre in-on ko na yung radar ko sa mga maririnig kong chika tungkol sayo ngayong araw na to.
"Wag kayong maingay ah, isusurprise nya yung girlfriend nya pag pumunta sa Christmas party." sabi nung isang classmate natin.
Napanganga na lang ako sa narinig ko. Pero dahil pasaway ako, mas pinili kong pakinggan pa ang mga masasakit na sasabihin nila.
"Kakantahan nga nya eh. Nagpatulong pa nga samin."
"Kyaaah! Nakakakilig naman 'yon!"
Biglang natigil ang kwentuhan nang marinig ko ang pagsigaw mo mula sa loob ng bahay nyo.
"HOOOYYY!"
sigaw mo dahil mukhang nakakahalata ka na na ikaw ang topic nila.Nagtawanan na lang sila pero ako, ni ngiti ay di ko magawa. Napapangiwi na lang ako sa mga nalalaman ko.
Ano nanaman ba to? Sasaktan mo nanaman ba ko?
Ireready ko nanaman ba yung sarili ko?
Ireready ko nanaman ba ulit ang mata ko?
Diba nagtransfer na yung girlfriend mo sa ibang school? Bakit sya pa rin? Akala ko...
Akala ko talaga wala na kayo.
Mali pala ako.
Naging masaya naman ang araw namin. Oo, masaya. Kasi nagpumilit na lang ako na maging masaya para sa ikabubuti ko. Wala naman akong magagawa kung sya pa rin ang mahal mo. Sino ba naman ako? Isa lang naman akong admirer mo at wala ng pag-asang lumevel up pa tayo do'n. Hindi naman tayo magkaibigan so anung aasahan ko?
Syetness. Na-admirer zoned ako.
Nag-uusap naman tayo habang gumagawa ng parol pero may limitations. Alam ko kasing naiilang ka pa rin sakin at ganun din ako sayo.
Inabot na tayo ng gabi kakagawa ng letseng parol na yan. Buti na lang sinundo na ko ni mama kaya nakauwi na agad ako sa bahay.
Sobrang wala talaga ako sa mood dahil sa nalaman ko. Ni hindi ko na makuhang ngumiti dahil don. Pati ang pinakamamahal kong pagkain eh nakaligtaan ko na dahil sa sobrang badtrip ako.
Natulog na rin ako agad hanggang sa mawala ang sakit na nararamdaman ko. Gusto lang kita kaya dapat hindi ako nasasaktan ng ganito. Gusto lang kita, hanggang dun lang yon. At sana hindi na lumagpas pa.
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
Teen FictionThe love that loves the longest is the love that is never returned.