Confession #47
"Anung nangyari kagabi?"
"Uuuuy! Parang bangag to! Magkwento ka naman!"
"Dali naaa!"
Nandito ako ngayon sa bahay-- bahay ng kaibigan ko. Balot na balot pa din ang buong katawan ko dahil sa giniginaw ako at sinisipon pa. Wala namang nangyari kagabi. Hindi naman ako kinilig nung halikan nya ko kagabi habang umuulan, hindi ako kinilig nung biglang pumasok sa utak ko na first kiss ko pala yon, hindi ako kinilig nung nagkwentuhan kami sa gitna ng ulan habang hiyang hiya kaming dalawa sa ginawa namin. Hindi ako kinilig nung tinanung nya ko kung... Hindi ako kinilig. Hindi talaga. Promise.
"Landi mo! Pangiti-ngiti ka pa dyan! Anu ba kasing nangyari at abot-tenga yang ngiti mo?" naiinis na tanung ni Christine.
"Sinasabi ko na nga ba." nakatulalang sabi ni Norilyn.
Napatingin kaming lahat sa kanya at nagulat ako ng tignan nya ko gamit ang nanliliit nyang mata.
"Hindi mo naman kailangang umabot sa ganito Lita. Alam naming mahal mo si Pedro pero hindi ko kayang kunsitihin tong ginawa mo ngayon." galit na sabi nito sakin.
"Teka nga ah, ano bang ginawa ko?" nagtatakang tanung ko.
"Wag ka ng magmaang maangan pa! Alam ko at alam mo kung anung ginawa mo! Bakit kailangan mo pang sirain buhay mo Lita? Ha?!"
"Nandun ka ba sa bahay ni--"
"Wag mo ng ituloy yang sasabihin mo! Hindi ko kayang marinig yan mula sayo!"
"Teka nga muna, wala akong maintindihan sa inyong dalawa! Anu ba kasi ginawa nyan ni Lita, ha? Nori?"
"Nakikita mo ba yang mga mata nya? Anung napansin mo?"
"Namumula." singit ni Cath.
"E sa itsura nya?"
"Pangit." Nang marinig ko yun mula kay Joyce eh binato ko agad ito ng unan. Nak ng tokwa!
"Magseryoso kayo!"
"Oo na. Magseseryoso na. O ayan, nakangiti lang sya na parang timang."
Unti-unti eh parang narealize ko na kung anung gustong ipahiwatig sakin ni Nori. At bago ko pa marealize 'yon eh natawa na lang ako ng malakas.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
"Nalulungkot ako para kay Lita. Dati rati, sobrang dami pa nyang pangarap sa buhay. Iba talaga ang epekto ng ipinagbabawal na gamot sa tao."
At nang marinig ko yun eh mas lalo pang lumakas ang pagtawa ko. Palipat lipat lang ng tingin samin ni Nori sila Cath, Joyce at Christine.
"OHMYGOD! HAHAHAHA! I CAN'T..HAHAHAHAHAHAHAHA!" natatawa ko pang sabi.
"Teka, iniisip mo bang nagdrugs ako?" dugtong ko pa."Oo! Exactly!" seryosong tugon ni Nori.
"HAHAHAHAHA! Baliw! Hindi noh! Anu ka ba! HAHAHAHAHA! Adik ka talaga!"
"H-hindi ka naka.. You know, drugs?" nauutal na sabi ni Nori.
"Hindi! Ito talaga! Hahahahaha!" sagot ko sa kanya.
Napatingin na lang sila lahat kay Nori at sabay-sabay kaming nagtawanan ng malakas. Hanggang ngayon talaga eh wala pa rin kaming pagbabago pag magkakasama kami. Kahit mukha na kaming tanga eh sobrang saya pa rin naming lima.
Sobrang tagal na ng friendship naming lima, highschool and up to now, they are still the best of friends I've had in my whole life. I treat them as my treasure, my saviour and my guardian angels.
"Maiba nga tayo. Ba't ka nga kasi nakangiti?"
"Naisip ko lang yung nangyari kagabi."
"Ano ba kasing nangyari? Alam mo bang pinag-alala mo kami?! Tapos hindi mo pa sinasagot yung tawag namin!"
"Ha? Eh hindi ko naman dala yung celphone ko."
Nagkatinginan silang apat at nagfacepalm.
"Oh change topic, anu nga kasi yang nangyari na yan? Letse!"
"Kasi diba, pinuntahan ko si Pedro kahapon. Tapos--"
"Teka, bakit hindi namin alam?"
"HAAY. Pagpatuloy mo na Lita!"
"Ayoko ng ielaborate pa. Ayun, umamin ako sa kanya. Wala eh, naprovoke ako. Tapos nagwalk out ako sa sobrang hiya."
"Talaga? Waaah! Tapos?"
"Hinabol nya ko kahit ang lakas na ng ulan. Ako naman tong pabebe, nagtatakbo din hanggang sa naabutan nya ko.. Tapos.."
"TAPOOS?" sabay sabay nilang tanung.
"Wait. Kikiligin muna ko." Nagtitili ako at nagsisigaw na parang baliw. Nakatingin lang sakin yung apat na parang gustong gusto na kong ilibing ng buhay dahil sa ginagawa ko. Sinabunutan nila ako bigla at sinabing.. "TULOY."
"H-hinalikan nya ko. Hinalikan ako ni Pedro."
Napatakip ang mga kaibigan ko sa bibig nila pagkatapos kong sabihin yon. Nagulat sila, alam ko. At kahit ako eh nagulat din naman nung una.
"S-seryoso ka? Baka nagdedaydream ka lang kagabi?"
"I'm fucking serious."
"P-pero? P-panung?"
Nagkibit balikat na lang ako. Hindi ko alam kung paano at bakit nya ginawa 'yon. Nababaliw na kaya sya? O baka pinapaasa nya lang ako? Ang hirap talagang ispelingin ni Pedro. Hindi mo malalaman kung anong tumatakbo sa isip nya.
"Oh eh bakit naman ngayon ka lang umuwi? Don't tell me..."
Biglang napatakip sa bibig si Joyce.
"Hoy! Dumi ng isip mo! Malakas na kasi yung ulan no'n kaya di ako nakauwi! Sabi ni Peds makituloy muna daw ako sa kanila.."
"Then?"
"Haay. Ikekwento ko pa ba? Inaantok na ko!"
Hinatak nila ang buhok ko at sinabing ipagpatuloy ko ang pagkukwento.
"T-tinanung nya ko k-kung.. m-masyado daw ba nya kong n-nasaktan.."
Nauutal na sagot ko.They patted my back.
"Oh? E-eh a-anong sagot mo?"
"Sinaktan nya ko but that doesnt stop me from loving him. S-siguro d-darating lang sa point na susuko ka na lang k-kasi masyado ka nang t-talunan.."
"Mahal na mahal mo pa din talaga sya." Singit ni Cath.
"A-anong sagot nya? Nagsorry ba sya?"
Napayuko ako sa tanong ni Xtine. No. Hindi sya nagsorry. H-he begged.
"Nagmakaawa sya na wag ko raw itigil na mahalin sya."
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
Ficção AdolescenteThe love that loves the longest is the love that is never returned.