Confession #6

79 7 0
                                    

Ginawa ko lahat para maalis ka sa sistema ko. Ginawa ko lahat para hindi manginig yung kalamnan at internal organs ko sa tuwing makikita kita. At swerte nga naman kasi nasaktong iniba ng teacher natin yung cheating arrangement kaya napunta ako sa dulo, malayo sayo. It's a good thing though, kasi atleast mas mapapabilis ang operation pagkalimot ko sayo at di ko na kayo makikitang naglalambingan ng jowa mo habang ako eh nagngingitngit sa selos at inggit. Wow. Big word.

Kung alam mo lang, ilang beses kitang pinatay sa isip ko. Tuwing makikita kita eh halos saksakin na kita sa utak ko, kulang na lang sipain ko yung private part mo sa utak ko para hindi ka na makapagproduce ng lahi nyo.

Umiwas na rin ako sa pakikinig ng love songs, nandidiri na kasi ako eh. Gusto ko yung mga rakrakan para may background music habang minumurder kita sa utak ko.

Sa awa naman ng mahabaging kupido eh nakalimutan ko na rin sa wakas yung ginintuang feelings ko sayo. Tuwang tuwa ko nun kasi hindi na ko tulad ng dati na hindi buo ang araw pag di ka nakikita at halos magfeeling giraffe para lang matanaw ka.

2nd year HS.

Natuto na kong lumandi at ma-attract sa mga gwapo.

Natanggap ko na rin sa sarili kong hanggang dun na lang. Hinding hindi na pwedeng maglevel up ang simpleng attraction. Nakakatakot na kasi, baka maulit nanaman yung nangyari. Natatakot magka-crush sa taong hindi ka crush. Nakakasawa na. Nakakaumay.

Marami na rin akong naging kaibigan, isama mo na yung bestfriend mong naging isa sa closed friends ko. Seatmate ko kasi sya at kadaldalan. Minsan naman eh dumadayo ka sa harapan para lang makausap yung bestfriend mo, kaya ang lagay eh umaalis na lang ako sa upuan ko para hindi ko makita yung pagmumukha mo. Ikaw naman eh pumupunta sa upuan ko at doon umuupo pag umaalis ako.

Minsan napapatingin ako sayo. Minsan pakiramdam ko ikaw pa rin yung gusto ko. Minsan parang gusto ko ng bumalik sa dati at magkacrush ulit sayo kahit alam ko namang pagbali-baliktarin man natin ang mundo eh hinding hindi mo ako magugustuhan.

Pero ganun pa rin ako, same pa rin nung first year pa lang tayo. Ganun pa rin yung tenga kong nagpapanting pag narinig yung pangalan mo. Ganun pa rin yung labi kong kusang nagfform ng ngiti madikit ka lang ng konti sakin.

NASAYANG LANG LAHAT NG GINAWA KO PARA MAGMOVE-ON SAYO! OH, MASAYA KA NA? NAKAKAGWAPO YAN! TCH.

Alam mo bang ilang beses kong hiniling na sana hindi na lang kita nakilala? Na sana lumihis ako ng landas nung panahong magkakasalubong tayo? Na sana tumae muna ko nung magtatagpo na tayo? Ang daming sana nangyari na lang.

Idagdag mo pa na marami nang nagkakagusto sayo. Kung alam mo lang kung gaano ko sila gustong ipa-gang rape sa utak ko. Tapos halos lahat pa sila eh magaganda, kamusta naman ako diba? Kaya nga pag kinakausap nila yung bestfriend mo eh nakikinig talaga ko. Nag-iisip kasi ako ng mga patibong para masira ang pagpapakyut nila sayo.

Tch. Bakit dati naman iilan lang nagkakagusto sayo? Dahil ba ako lang ang magandang nakakaappreciate ng pagmumumukha mo? Dahil ba ako lang ang nakakaalam na gwapo ka in and out?

Sana pala hindi ka na lang nag-ayos o nagwax man lang ng buhok para wala nang nakakapansin sayo. Nagustuhan kita noong normal ka pa lang kaya wala ring kaso kung magugustuhan pa rin kita kahit abnormal ka na. Alam mo yun? Kaso hindi eh. Sa mata mo, isa lang akong ordinaryong classmate mo. Pero sa mata ko, hindi ka lang isang nilalang, hindi ka lang basta tao.

Isa kang alien. Isa kang alien na may kakayahang magpatibok ng mabilis sa puso ng ordinaryong tao.

The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon