Confession #29

47 4 0
                                    

Panibagong umaga.
Panibagong araw.
Pero hindi pa rin bago ang tuksuhan.

Hindi ko alam kung saan ka humuhugot ng kakapalan para ngumiti ng ganyan. Ngayong asar-talo ka naman at nakuha mo pang umiyak noong isang araw.

"Bakit pag inaasar ka dito sa room hindi ka napipikon, pero pag nasa labas ka inasar napipikon ka?"

Nakayuko lang ako at tahimik na nagsusulat. Maging ako eh hindi maiwasang ma-curious sa magiging sagot mo. Siguro gusto ko ring malaman kung ano nga ba ang pakiramdam mo, kung naiinis ka ba, nagagalit, o.. ewan.
Wala akong idea.

Inangat ko ang ulo ko at nakita kitang nakangiti lang na parang walang balak sagutin ang tanong sayo.

Huy. Cooperation naman. Wag kang pangiti-ngiti dyan dahil hindi yan makakatulong para matigil ang pang-aasar satin. Sira-ulo! Tsaka wag kang masyadong ngumiti pag tinutukso tayo, feeling ko kasi nilalandi mo ko pag ginagawa mo yan. Mahirap na, baka umasa pa ko. Sige ka, pag kinilig ako dito, pananagutan mo ko.

Pagkatapos naming magklase eh inabot na sakin ni Joyce ang notebook mo. Sabi nya eh singilin ko raw ang mga nakalistang pangalan dyan.

"Eh! Sayo inutos ni Pedro yan eh." tanggi ko sa kanya.

"Ikaw na maningil. Tinatamad ako." pagdadahilan nito.

Pumayag naman ako dahil pinairal ko nanaman ang kalandian ko. Isa lang kasi ang iniisip ko ng mga panahong yan.

AAAAH! >////
Me touching your notebook and your notebook touching me.
Ang saya deba?
Para na rin tayong magkaholding hands nyan dahil hawak ko ang isa sa mga gamit mo. BWAHAHAHA!

Pagbalik sa classroom eh nakanganga lang kami at nagsasoundtrip. Maya-maya lang eh lumabas kami lahat para panoorin ang nakahandang surpresa. Paglabas ni Christine eh nakita nya ang boyfriend nya na hawak hawak ang isang regalo habang nasa likod naman nito ang mga barkada nya na hawak hawak ang orange cartolina kung saan nakasulat ang "Happy 2nd Monthsarry".

Mangiyak-ngiyak ang kaibigan ko sa saya habang kayakap nya ang boyfriend nya. Syempre who would have thought na ganito pala ang mangyayari? Na isang malaking palabas lang ang paggagalit-galitan ng boyfriend nya?

Ang ibang kaklase natin ay navideohan ang mga kaganapan.
Syempre, bilang kaibigan slash parang kapatid na rin nya eh masaya ako para sa kanya. Kahit naman medyo bitter ang ugali ko pagdating sa mga lovers eh hindi ko rin naman maiiwasang hindi kiligin lalo na sa mga surpresang hindi inaasahan.

And I think nahanap na rin nya ang happiness and contentment sa buhay nya. Alam kong bata pa lang kami at lahat ng ito ay magsisilbing ala-ala na lang as we go along o habang tumatanda kami. Pero isa ito sa mga ala-alang hindi dapat kalimutan. Ito kasi yung klase ng ala-alang minsan kang napasaya.

Nakisali ako sa mga tilian ng mga kaklase ko. Hinahanap ka naman ng mga mata ko pero hindi kita makita. Oo nga pala, panu ko nga ba naman makakalimutan ang isang taong minsan na rin akong tinuruan kung paano magka-crush, magkagusto at magmahal? Paano ko nga ba naman makakalimutan ang lalaking naging isang malaking parte ng gradeschool at highschool life ko?

Syempre, hinding hindi. Hindi kita makakalimutan dahil isa ka sa mga dahilan kung ano ako ngayon at ano pa ako sa mga susunod na panahon.

Siguro nga dumaan ka lang sa buhay ko para bigyan ako ng aral.

Para sa susunod, kung sakaling magmamahal ulit ako eh sisiguraduhin kong gusto rin ako ng taong yon, para naman hindi ako maiiwang luhaan sa ending ng sarili kong istorya.

Pagkatapos ng eksenang yun eh pinapunta na kami sa Auditorium DAW dahil may Anti Drug Program Chuvarnes Kemeruj ek-ek daw. Syempre sa unahan kami naupo banda para rinig na rinig namin.

Nakita naman kita na nakaupo sa harapan at may hawak na mic. Sa tingin ko eh ikaw ang tagapagpakilala ng mga magsasalita sa harapan. Nakalimutan ko na kung anung suot mong shirt nung araw na yon, eto lang kasi ang mga nakasulat sa diary ko kaya malamang ito lang ang nilagay ko sa confession ko.
Pero sabi naman nung diary ko eh ang gwapo-gwapo mo daw nung araw na yon, ang cool mo raw tignan at lalaking lalaki ka raw sa porma mo. Naniwala na lang ako sa mga nakasulat sa diary ko kasi ako naman ang sumulat nun. Minsan nga nagtataka ako kung bakit naniniwala akong gwapo ka eh.

Habang nagsasalita ka eh titig na titig lang ako sayo at halos matunaw ang puso ko sa boses mo. Alam mo yung husky? Oo, ganun nga yung boses mo. Para itong bagong gising, napakakalmado at napakagandang pakinggan. Akala ko kasi sa mga lalaking character lang sa romantic stories sa wattpad ang salitang "husky", hindi ko alam na pati ikaw eh merong ganun. Mas lalo tuloy akong naiinlababo sayo.

Idagdag mo pa yang mata mo na parang bored na bored sa buhay. Yang mukha mong walang halos kaekspre-ekspresyon. Pero ang lahat ng yan ay nakakadagdag astig sayo. Kung yung ibang babae ayaw ng ganyang mukha at ugali, ibahin mo ako dahil hindi ako pa-chicks. Ako kasi gustong-gusto ko. Gustong-gusto ko ang lahat ng nasayo, pangit man yan o maganda. Perpekto ka man o hindi.

At dahil sa kakaisip sayo, hindi ko namalayang may nagsasalita na pala sa harapan. Ni-mention pa nga nya ko at hinawakan ang braso ko kaya natauhan ako kaagad. Grabe, minsan talaga may masamang epekto ang pagpapantasya ko sayo.

At ang mas nakakahiya pa eh nagtawanan ang mga kaklase natin. Masyado daw kasi kitang iniisip. Sabagay, tama naman sila.

Nang matapos ang speech ng unang speaker at pangalawang speaker, nagpunta ka sa harapan. Inasar-asar naman tayo at paulit-ulit nilang binabanggit ang "Lita loves Pedro". Nginingitian mo lang sila at ako naman eh naiirita dahil gusto ko..

.."Pedro loves Lita"!

At tsaka wag ka ngang pangiti-ngiti dyan, feeling ko tuloy feel na feel mong mahal kita.

Paglabas namin eh bumaba na kami para umuwi. Ako naman eh hinanap ka muna para ibigay yung perang nasingil kong pinag-ambagan para sa cosplay. Natanaw naman kita agad sa Principal's office kaya agad kitang nilapitan. Nakayuko lang ako para hindi ko makita ang pagmumukha mo. Mahirap na, baka mahalata mong kinakabahan ako pag malapit ka sakin.

"Pedro."

Naramdaman ko namang humarap ka agad sakin pero hindi ko maaninag ang mukha mo dahil nakayuko ako. Buti na lang matangkad ka at hanggang dibdib mo lang ako, kundi makikita mo ang pamumula ng mukha ko pag malapit ako sayo.

Inabot ko naman sayo ang pera at naramdaman ko ang pagdampi ng mga palad natin. Kusa namang dumaloy ang isang nakakakiliting kuryente sa katawan ko na nakakapagpainit ng mga pisngi ko.

"Anu to?" tanung mo sakin matapos kong ibigay ang pera.

Muli, para nanamang naging musika sa pandinig ko ang boses mo.

"Cosplay." matipid na sagot ko at agad na akong tumakbo papunta sa direksyon ng mga kaibigan ko bago mo pa makita ang reaksyon ko.

The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon