Confession #5

99 11 0
                                    


Naaalala mo pa ba nung pumunta kami ni mama sa bahay nyo? Di bale, ilang beses na rin kaming nakapunta sa bahay nyo pero ang pinaka-hindi ko makakalimutan eh yung pumunta kami sa bahay nyo para kunin yung anak ng aso nyo. Natatawa ako kasi nung una parang ayaw mo pang ibigay yung aso, doon ko lang narealize na dog lover ka pala.. Which I find cute knowing na lalaki ka. Noong binigay ng mama mo yung aso, tuwang tuwa ako. Dahil bukod sa mahilig akong mag-alaga ng aso eh may remembrance pa ko sayo. Nakakatuwa lang kasi lumaki na yung asong kinuha namin sa inyo. Feeling ko naalagaan ko ng mabuti yung isa sa mga pag-aari mo. Ang landi ko na ba? Pagpasensyahan mo na ha, pinapahalagahan ko lang talaga lahat ng bagay na galing sayo.

Ay oo nga pala, nakalimutan kong sabihin. Sabagay kalimot-limot naman talaga lahat ng nakasulat doon.

Alam mo bang kasalanan mo kung bakit pati yung inosenteng notebook na may mukha pa ni Gatchalian eh napagtripan kong sulatan ng mga walang kakwenta-kwentang nararamdaman ko sayo? Yan tuloy, pati notebook napagtripan ko pa. Wala eh. Wala na kong mapaglabasan. Hindi ko na alam gagawin ko kaya kahit sobrang corny eh naisipan kong gumawa ng diary. Haha. Imagine? Puro tungkol sayo nakasulat doon. Feeling ko tuloy fan mo ako at ikaw yung artista sa istorya ko. Tulad nila, snob ka din. Tulad nila, wala ka ring pakialam. Psh. Teka, cut that crap. Bakit ko ba naisip na ikaw yung artista don? Nakakainis lang sa pakiramdam na nagkakacrush na ko samantalalang bata pa ko. Kung alam mo lang, kulang na lang ihampas ko yung diary ko para matauhan ako. Kaso hindi eh, hindi ko nagawa. Nakakainis lang isipin.

The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon