Ilang linggo rin ang lumipas at ganun pa rin ang routine ng buhay ko. Bahay at school lang. Halos araw-araw kong pinilit na maging masaya pero walang saysay ang lahat. Sa tuwing maiiyak ako at maaalala ang nangyari nitong mga nakaraang araw eh manonood ako agad ng mga comedy shows at magbabasa ng mga nakakatawang quotes sa wattpad. Ayokong isiping namatayan ako ng isa sa mga kaibigan ko at mas lalong ayokong isiping broken-hearted din ako. Nakakastress. Nakakatanda. Kung patay edi patay. Kung mahal mo si Fin edi mahalin mo. Jusko. Ayoko nang intindihin ang mga bagay-bagay. Ayokong madepress kaya pipilitin kong takasan lahat ng bagay na nagbibigay pasakit sakin. Pero pag natapos na lahat, I always ended up crying.
Tumagal ang mga araw at patuloy mo pa ring nililigawan si Fin. Masakit, oo. Pero wala naman akong magagawa dahil biktima lang ako ni Kupido. Biktima lang ako ng ligaw na pana nya at sa kamalas-malasan eh ako pa ang tinamaan.
Sinikreto ko rin ang pagkamatay ni Joselito. Wala akong pinagsabihan. Ayokong magkwento kasi baka magmental breakdown na ko. Ayoko rin ng kinaaawaan at tama nang sarilinin ko na lang ang pinagdadaanan ko. Okay lang to. Ayos lang sakin.
Bago pa ko magkwento ng mga mas matitindi pang eksena, ihahanda ko muna ang mga utak nyo. Makakabasa pa kayo ng konting-konting katangahan, kasingliit lang ng ovaries nyo ang katangahan ko dito kasi kinikilig ako.
JS Promenade.
As you can see, JS Promenade.
Uulitin ko pa para mas nakakakilig.
JS PROMENADEE! Waah!
I'm sure ineexpect nyong kinilig ako ng araw na yan. At para sabihin ko sa inyo, tama ang mga hinala nyo.
Tandang-tanda ko pa ang gabing 'yon. Tanga na lang ako kung hindi ko pa matandaan though may pagkamakakalimutin talaga ko. Pero sobrang gago ko naman ata kung kakalimutan ko ang araw na yon.
Sirang-sira ang gabi ko no'n. Lahat epic fail. Epic fail yung cocktail ko. Bakit? Kasi natanggalan ng design. Epic fail din yung sandals ko. Bakit? Kasi sobrang luwag. Yung tipong pag naglakad ako mas mabagal pa sa pagong. Yung tipong para akong galing sa panganganak at bigla lang naligaw sa JS Prom. Nakakakilig, noh?
Walang nangyaring maganda sakin ng gabing 'yon. Oo, may mga nakasayaw ako pero hindi pa rin maalis ang simangot sa mukha ko. Natatandaan ko pa nga no'n, wala akong ibang ginawa kundi pumikit at magwish para lang gumanda ang gabi ko. Pero hanggang wish lang ako dahil matatapos na ang JS pero wala paring nangyayaring maganda sa gabi ko. Sobrang sama na nga ng mukha ko, sobrang sama pa ng araw ko.
Pagkatapos kumain, muling in-announce ang mga salitang hindi ko kayang tanggapin.
"Students, you may have your last dance."Ang sakit, diba? Hindi pa nga natutupad ang dream dance ko na maisayaw mo ko Peds tapos biglang ganun? Biglang last dance?
Natunaw na nga't lahat lahat ang make up ko kakahintay na isayaw mo naman ako tapos biglang last dance?
Tumingin ako sa paligid at nakita kong sweet na sweet na sumasayaw ang mga lovers. Hindi naman nakakainggit dahil mas masarap pa ring kumain kesa sumayaw.
Pinaglaruan ko na lang ang kutsara't tinidor na hawak ko. Wala na. Wala na talagang pag-asang matupad ang hiling ko.
Muli akong napatingin sa harapan at napako ang tingin ko sa lalaking papalapit sakin. Ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko at parang wala nang ibang nakikita ang mata ko..
Kundi ikaw. Kundi ikaw lang.
Habang papalapit ka, palakas rin ng palakas ang tibok nito, na parang may hinahabol. Hindi ako makapaniwala. Nananaginip ba ko? Papalapit ka ba talaga sakin? Ano, joke lang ba to? Isasayaw mo ba talaga ko? Wag kang ngumiti, wag mo kong ngitian. Kasi nag-uumpisa na kong mag-isip na para sakin yang ngiting yan. Please, wag mong hayaang mag-assume ako.
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
TienerfictieThe love that loves the longest is the love that is never returned.