"Nakuhanan namin ng picture ma'am!"
pag-amin ng mga kaibigan ko sa teacher natin.Nandito kasi kami sa school para gumawa ng script. Eto namang mga kaibigan ko eh kinukwento sa teacher namin yung nangyari dun sa Com Lab nung nagkatabi kami.
"Yiee nagdadalaga na!" pang-aasar pa ng isang kaklase nating si Pekto.
Tawanan lang sila ng tawanan habang ako eh hiyang hiya sa sarili ko. Sinu nga ba namang hindi mahihiya kung halos lahat ng naging teacher natin eh palagi akong tinutukso sayo? Buti na nga lang magaling ako magdeny kundi malalaman nilang gusto kita. At pag nalaman nila yon, mayayari na.
Pagtapos naming gumawa ng script eh lumabas na kami ng school para magpunta sa court. At habang naglalakad kami eh nakita kita na papalapit sa kinaroroonan namin.
And there goes the abnormal heartbeats.
"AYIEEE! LITA OHH!" panunukso ng mga kasama kong naglalakad.
Nakangiti kang sumalubong sa lahat. Kahit hindi naman para sa akin ang ngiting yon, hindi ko pa rin nagawang ialis ang tingin ko sayo.
Nagpatuloy tayong lahat sa paglalakad. Habang nagkekwentuhan eh tinutulak-tulak ako ni Pekto sayo, yung isang classmate natin na close friend mo at friendship ko rin pagdating sa mga chikka o chismis.
"Ano ba, Pekto! Para tong baliw!" pag-aawat ko sa kanya.
Pagdating namin do'n eh wala namang nangyari. Tumambay lang kami habang kumakain ng shake na may kesong toppings. Hindi naman maiwasan ng makasalanang mata ko na manuod sayo sa malayo habang naglalaro ka ng basketball. Sisihin mo yung mga mata ko kung aaminin kong sobrang cool mo ng araw na yon. Kasalanan ng mata ko yon.
"BATUHAN BOLA TAYO!"
Napalingon ako sa sumigaw at nakita kong tumigil ang lahat sa mga ginagawa nila. Pati ang mga nagbabasketball eh pumunta sa pwesto namin at pumayag na sumali. Maging kami ng mga kaibigan ko eh sumali rin.
"KAMPIIIIIIHAAN!" malakas na sabi nating lahat na parang mga bata lang.
Nagulat naman ako at hindi ko akalaing parehas nakataob ang mga kamay nating dalawa. Haay, shet lang.
Kakampi pala kita.
Nag-umpisa ang laro at sobrang saya dahil pure fun lang kahit masakit matamaan ng bola. Malapit nang magdilim at turn na natin para batuhin nila.
Hindi naman ako target ng bola kaya keri lang. Ikaw kasi palagi ang target nila pero palagi mo itong nasasalo kaya hindi ka naaalis.Hanggang sa tayong apat na lang ang natira. Nag-umpisa na kong magtaka dahil yung dalawa lang na kasama natin ang palagi nilang binabato. Tawa naman ng tawa yung mga kaklase natin and I know deep down their laughs kung ano ang mga plano nila. Tinuloy ko na lang dahil ayokong masabihan na 'Killjoy' kahit gustong gusto ko na ring magpatama sa bola.
Alam kong napapansin mo rin yon dahil nahalata kong sinasadya mong tumapat sa bola para mabato ka. Hindi mo na rin ito sinasalo at hinayaan mong maubos ang life mo para matanggal ka na sa eksena.
Hanggang sa natanggal ka na nga.
Akala ko makikisakay ka sa plano nila.
Ha-ha-ha.
Nakakatawa.
Akala ko lang pala yon.
Eym so pathetic.Hindi nagtagal eh sinadya na rin nila kong batuhin ng bola dahil wala na rin daw sense kung magstay pa ko dun. Wala na rin daw naman kasi ikaw.
Umupo na lang ako sa lupa para panuorin ang susunod nilang laro.
And then I realized...
Kahit pala sa maliit na bagay, hindi mo pa rin kayang makasama ako.
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
Teen FictionThe love that loves the longest is the love that is never returned.